"Wow Kiel ito ba ang tinatawag nilang manila Zoo? Narinig ko kasing pinag usapan ng dalawang kasambahay tawag daw sa lugar na maraming hayop ay manila zoo raw sabi ni Manang Loleng" wika ni Alena at ang tukoy nito, ay ang Taga luto nila sa Del Castro Mansyon.
Umiling lang si Kiel habang may ngiti sa labing minamasdan ang naka ngiting mukha ng dalaga. Kanina lang ay napaka iyakin nito, ngayon naman ay halos umabot na sa tenga nito ang lapad ng pagkaka ngiti nito.
"Wala tayo sa Manila Zoo, nandito tayo sa bahay nina Vanessa at Sebastian at ito lahat ng mga dalaga ni Seb. " tugon ng binata
Kasalukuyan sila ngayon. Nag lalakad sa malawak na bakuran ng White House nang mag-asawang Vanessa at Sebastian, wala ruon ang mag asawa kaya tanging ang mga bantay lamang ang naka alalay at naka bantay sa kanila.
"Talaga dito sila naka tira? Nasaan sila bakit hindi nila tayo hinarap? Natutulog ba sila sa ganitong oras? " magkaka sunod na usisa ni Alena.
" marami silang bahay at minsan lang sila pumupunta dito dahil dilikado para sa mga bata. Puro makukulit Pa naman yung apat na kambal lalo na yung triplets "tugon ng binata habang nasa tapa na sila ng kulungan ng mga Ahas.
"Kinikilabutan ako ang dami nila" mahinang saad ng dalaga pagka tapos ay umalis na duon upang lumipat naman sa kabilang kulungan
"Sabagay nakaka takot naman talagang tumira dito"tumatangong saad ng dalaga. Habang naka tutok ang pansin nito sa Dalawang malalaking tigre
"Pag-aari 'yan nina Stepen at Stepani mababait 'yan gusto mong hawakan? " wika ng binata na ikina laki naman ng mata ng dalaga at mabilis ang pag iling nito.
"Luh! Ayaw konga" sagot ng Dalaga at umalis na ruon at lumipat naman sa kabilang kulungan "ay ang bait naman nila" naka ngiting saad ni Alena ng makita nito ang mag-inang Lion
"Alena" mahinang sambit ng binata na ikina singhap ng dalaga dahil sa kaniyang pag lingon ay napaka lapit ng mukha ni Kiel sa kaniya.
"Ano bayan nakaka gulat ka naman " saad ng dalaga habang naka hawak Pa ito sa kaniyang dibdib
"Alena, Do you like me? " walang emosyong wika ng Binata habang naka titig lamang ito sa mga Mata ng dalaga.
"Po? " nag tatakang tanong ng dalaga
"Gusto mo ba ako? I mean Mahal mona ba ako? " prangkang wika ng binata sa dalaga na ikina kunot nuo nito.
"Kung hindi po kita gusto edi sana matagal napo kitang inaway kaso masama maki pag away eh kaya dapat mabait ako palagi 'yun po ang turo ni Lola saakin tsaka po, Oo naman po Mahal po kita Kiel, lahat po ng mababait saakin mahal ko po" inosenteng sagot ng dalaga
"Damn, you don't understand Alena" mahina ngunit madiing saad ni Kiel habang napapahilamos na lamang ng sariling palad
"Po? " nag tatakang sambit ng dalaga
'Ano bang problema ng gwapong lalaking to? Pino problema ba niya ang napag usapan nila ni Tatay? Eh hindi naman ako papayag na lumayo, nako ang sarap mo talaga kurutin sa singit Kiel' ani ng isipan ng dalaga habang napapa ngiti nalamang
"Aarg isa payan, tigilan mona kaka Po at Opo mo saakin! " reklamo nito
"Ano ho bang problema? Kanina ang saya saya ng mukha mo ngayon naman para kang nalugi sa perya" ani ng dalaga
"Damn! Alena Bakit napaka inosente mo? Bakit hindi mo ako maintindihan I Love you Alena, hindi ko alam kung kailan nag simula basta I Love you at hindi ko kayang sundin ang mga sinabi ni Mr Del Castro" saad ng binata at halatang napaka bigat ng problema nito at nakikita iyon ni Alena sa mga Mata ng binata.
"Bakit napaka hilig mo mag salita ng Damn? Ano ba 'yan? Drum? Hindi naman siguro ako mukhang drum diba? Tsaka narinig kona po iyan eh. iyang I Love You tapos sasagutin kita ng I Love you too parang ganun sa napanuod ko kagabi-----
"Aaarg pano koba ipapaliwanag sa'yo? Napaka hirap mong paintindihin Alena. ------
"Basted basted basted! " wika ng Dalawang Parrot ang nag patigil sa binata.
"Wow nag sasalita 'yung mga ibon, halika Kiel lapitan natin" manghang saad ng Dalaga, sa Sobrang ka inosentehan nito ay hindi na nito nalalaman kung paano nag hihirap ang kalooban ng binata upang ipa intindi lamang dito ang labis na pag mamahal nito para sa dalaga.
Subalit hindi na hihintayin ni Kiel ang araw o oras kung kailan ang Plano ni Rodulfo para sa anak nito. Kaya habang kasama niya ngayon ang dalaga ay wala siyang dapat palampasin ipapa intindi niya dito at ipaparamdam kung gano niya ito ka mahal.
Huminga muna siya ng malalim bago nag lakas loob na mag salita muli "Alena" agaw niya sa pansin nito habang masaya itong nakiki pag usap sa Parrot
Nilingon siya nito habang may ngiti sa labi "ang ganda galing diba? Nag sasalita sila" magiliw na sabi ng dalaga.
"Alena please mamaya na 'yan mag usap muna tayo" wika ng binata.
'Aaarg bakit ba kasi sa dito Pa ako nahulog? Bakit sa katulad Pa ni Alena ako nag mahal? Damn ang hirap mag tapat sa isang taong napaka inosente , dinaig kopa ang mag tatapat sa isang seven Years old na batang babae. Mabuti Pa yung matatalinong bata na Five years old marunong na sa salitang Crush. samantala si Alena Eighteen na pero ang salitang I Love you at Ctush hindi Pa niya maintindihan' problemadong saad ng isip ni Kiel
"D'yan muna kayo ha, kakausapin kulang itong masungit na Gwapo" naka ngiting kausap ni Alena sa mga Parrot
"Gwapo gwapo! " ulit ng mga Parrot
"Ano ho ba iyon? " anang Dalaga sabay yakap sa binata ng mapansin nito ang kalungkutang bumabalot sa mga Mata nito.
"Pasensya napo sobrang natutuwa ako sa mga hayop dito kaya hindi na kita napapansin." Ani ng dalaga habang rinig na rinig niya ang malakas at mabilis na t***k ng puso ng binata. Kaya mas lalo Pa niyang hinigpitan ang pagkaka yakap sa binata dahil natutuwa na siyang pakinggan ang puso nito.
" Mahal kita Alena, mahal na mahal . Kung yayaain kita mag pakasal ngayon din kahit sa Huwes lang muna papayag kaba? " mahinang saad ng binata kaya napa kalas sa pagkaka yakap ang dalaga dahil sa mga sinabi ni Kiel
"Kasal? Para iyon sa mag-asawa diba? Parang gano'n kina Tatay at nanay, Lola at Lolo mag-asawa tawag sa kanila. Ayeee pakakasalan mo ako dahil gusto mo ako maging asawa tama ho ba ako? " naka ngiting saad ng dalaga na animoy tuwang tuwa Pa ito at halatang hindi na naman nito naiintindihan ang ibig sabihin ng kasal at mag-asawa
"Yes Alena, mahal kita kaya gusto kitang pakasalan at mapang asawa, pumapayag kaba? " ani ng binata, sunod sunod naman ang pag tango ng dalaga habang naka ngiti ito.
"Oo naman po gusto kitang maging Asawa para lagi na tayo magka sama katulad nina Tatay at Nanay hindi sila nag hihiwalay, namimiss kasi kita kapag hindi mo ako dinadalaw ng isang araw sa bahay " ani ng dalaga at lumungkot Pa ang boses nito sa huling tinuran.
Kahit hindi Pa ganap na masaya si Kiel dahil alam niyang dala lamang ng Kainosentehan at pagiging isip bata ni Alena kaya ito pumayag mag pakasal, ngunit kontento na siya duon. Umaasa na lamang siya balang araw ay magiging Matured na itong mag isip ay hindi ito magagalit sa kaniya. Kapag na realize nitong pinag samantalahan niya ang pagiging mang mang nito upang makuha lang niya ang kaniyang gusto. Ang gusto niyang maging sakaniya ang dalaga, kahit ilayo Pa ito ng tatay nito upang pag aralin sa malayo si Alena atlis ay hindi ito mapupunta sa iba dahil asawa na niya ito.
"thank-you " sambit ng binata at kinintalan nito ng halik ang nuo ng dalaga at buong pag mamahal niya itong niyakap.
"Tara napo mag libot libot Pa po tayo, asan ba dito yung elepante? Gusto kung malaman kung nag susuot ba ng Pante ang Elepante " ani ng dalaga sabay hawak na nito sa kamay ng binata.
Maraming kulungan ng hayop silang nadaanan hanggang sa matapat na sila sa kulungan ng Apat na Malalaking Elepante
"Wow napaka laki nila! Pero bakit walang pante?" Sambit ng dalaga at napangiwi Pa ito ng makitang walang suot na pante ang Elepante.
"Huh? What did you say?" naka kunot nuong ani ng binata
" kahit hindi gaanong maintindihan ng dalaga ang tinuran ng binata ay alam niyang nag tatanong ito kaya naka naka simangot niya itong sinagot
"Kasi ang akala ko kaya Elepante ang pangalan nila dahil may suot silang pante. Tapos wala naman pala. Dapat pala Eleborlis tawag sa kanila" Sagot ng dalaga kaya dahil duon ay napa tawa na si Kiel.
3:45 PM pagka alis ng dalawa sa White House nina Seb at Vanessa. nasa biyahe palamang sila ay tinawagan na ni Kiel si Jeppy Dalgan upang papuntahin ito sa kilala nilang Judge at mag patulong narin dito ,maging si Attorney Zachary ay tinawagan narin ng binata para sa mabilisang mga papeles para sa hindi inaasahang kasal sa araw na iyon mismo. Bago paman sila maka rating sa kanilang pupuntahan ay dumaan muna sila sa isang sikat na boutique na pag mamay-ari ni Anne. Wala duon ang babae kaya ang kaibigan na lamang nito na nag nga-ngalang Nestle ang umasekaso sa kanila. Pagka tapos maka pili ng isang White Dress para kay Alena ay umalis narin ka agad sila ruon. dahil nag iingat ang binata na baka may maka kilala sa kanila at maka rating Pa iyon sa kaniyang mga kaibigan . Ayaw niyang malaman pa ng mga ito ang kaniyang planong pag papakasal sa araw na iyon. Lalo na't napaka daldal ng mga ito lalo na sina Paulo at Josef.
Sekreto lamang ang kasal na iyon at tanging sina Romuel, Jeppy , si Judge Brett na mag kakasal sa kanila at si Attorney Zachary lamang ang tanging saksi sa secret Wedding ng dalawa.
Eksaktong 4:25 PM ay naroroon na sila sa bahay na pag aari ng binata sa pampanga, bagong bahay iyon ng binata kaya wala pang gaanong nakaka alam na pag mamay-ari iyon ng binata. Pangalawang punta Pa lamang niya duon at sa pangalawang beses na iyon ay eksaktong natapos narin ang kaniyang planong bahay para sa kaniyang Future wife. At sa bahay na iyon ay duon narin niya pinapunta ang tatlo na siyang saksi at mag tatali sa kanila ng babaeng minamahal niya.
//Continue