" ???? ?????! ????? ???? ??????, ???? ??????? ??? ???????? ?? ???, ???? ??????? ???" umiiyak na tawag ni Alena sa kaniyang asawa, habang palayo ito at may kasamang isang napaka sexyng babae. parehong naka ngiti at hatala ang kasiyahang makikita sa mukha ng kaniyang asawa ,habang hinahawakan nito ang mukha ng babaeng kasama nito.
"???? ??????! ???????? ?? ??? ,??????? ??? ????"tawag niya ulit sa kaniyang asawa ngunit hindi man lang siya naririnig nito bagkus ay ang kasama Pa nitong babae ang lumingon sa kaniya. At ganuon na lamang ang laking gulat niya ng makita niya ang mukha ng babaeng kasama nito. Naka ngiti ito ng mala demonyo sa kaniya at ang ikinagulat niya ay kamukhang kamukha niya ang babaeng kasama ng kaniyang asawa.
"Sino ka? " tanging bulong na lamang ni Alena ang namutawi sa kaniyang bibig ng tuluyan ng lumayo sa kaniyang paningin ang kaniyang asawa kasama ang babaeng kamukhang kamukha niya.
"Hindeeee! "Sigaw ni Alena kasabay ng pag bangon niya mula sa kaniyang kina hihigaan ,napa iyak narin siya at pinag pawisan na dahil sa kaniyang napaka samang panaginip
"Wife? Bakit ka sumisigaw? "Nag aalalang tanong ni Kiel ng maka pasok ito ng kwarto. Nasa labas ito upang tignan ang hinanda niyang Romantic Night para sa kanilang dalawa ni Alena.
"Kiel! " kaagad na sambit ni Alena sa pangalan ng asawa ng makita niya ito. Kaagad siyang bumaba ng kama at patakbo niyang sinalubong ng yakap ang nag aalalang mukha ng asawa.
"Why Wife? Bakit, bakit ka umiiyak? Bakit ka sumigaw? May nangyare ba sayo? " nag aalalang tanong ni Kiel habang yakap ang umiiyak na si Alena
"Ang sama ng panaginip ko, sumama ka sa ibang babae, iniwan mo ako at pinabayaan sa isang lugar na napaka dilim, huhuhu please Kiel huwag mo akong iiwan "umiiyak na sabi ni Alena
"Ofcourse my Wife, hinding hindi kita iiwan kahit tanong mangyare ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko, dahil mahal na mahal kita, kaya tahan na huwag kanang umiyak " wika ni Kiel at hinalikan sa nuo ang umiiyak na asawa.
"Talaga promise? " parang batang saad ni Alena , tumigil na ito sa pag iyak, pero namumula parin ang matangos nitong ilong maging ang mputi at makinis nitong pisngi ay namumula narin kaya naman ay hindi mapigilang mapa ngiti ni Kiel sa itsura ng kaniyang asawa, napaka inosente ng maamo nitong mukha
"Yes Wife promise, kaya maligo kana dahil may Hinanda akong Dinner date para sa'yo " naka ngiting wika ni Kiel
"Teka nasaan tayo? Hindi ito yung kuwartong tinulugan natin ah" nag tatakang tanong ni Alena ng mapansing kakaiba at parang gumagalaw ang kanilang kinaroroonan
"Maligo kana hihintayin kita sa labas wife, I Love you " naka ngiting wika ni Kiel kaya naman ay napangiti narin si Alena bago tumango. "I love you too My Love" tugon ni Alena at tumalikod na upang mag tungo ng banyo ,pagka tapos ng ilang minutong pagligo ay naka tapis lamang lumabas ng banyo si Alena. Ng may mapansin siyang isang kulay pulang Sexy evening dress na hindi umaabot sa kaniyang tuhod. Nilapitan niya ito at napa ngiti siya ng may makita siyang isang maliit na Card na naka patong ruon. Kinuha niya iyon at binasa
" to my Precious special gem, my Gold, my life my beautiful Alena, I Love you Wife " iyon ang naka ukit sa maliit na card kaya naman ay mas lalong napa ngiti si Alena dahil sa sobrang kilig at sayang kaniyang nararamdaman. Pagka tapos niyang isuot iyon ay hindi na gaano siya nag ayos ng kaniyang mukha nag suklay lamang siya at nag wisik ng pabango sa kaniyang katawan. Hindi na siya nag abalang mag lagay ng kahit na anong palamuti sa kaniyang mukha at hindi narin siya nag lipstick dahil natural ng mapula ang kaniyang mga labi.
Pag labas Pa lamang niya ng silid ay bigla siyang napa singhap at napa tutop ng bibig nang mapag tanto niyang wala na sila sa Hotel at nasa Napaka laki at Magarang Yate na pala sila ni Kiel. Kung paano siya napunta ruon ay iyon ang hindi niya alam, naisip na lamang niya na marahil ay binuhat siya ni Kiel habang natutulog siya kanina sa Hotel at dinala na siya ng asawa sa Yateng kanilang sinasakiyan ngayon.
"This way Mam" ani ng isang Lalaki ang pumukaw sa kaniyang pansin, kaya naman ay sumunod na lamang siya dito. sa Dulo at labas ng yate ay duon niya nakita si Kiel na naka ngiting naka tayo lamang habang may hawak na kumpol ng red roses, ngunit ang labis na nag paagaw ng kaniyang pansin ay ang napaka gwapong tindig at ayus nito, maging ang pabilog na lamesa na nasa tabi nito ay hindi rin naka ligtas sa kaniyang paningin kung gaano iyon kaganda at ka romantic ng pagkaka ayos ,maging ang mga naka kalat na Red roses petals ay mas lalong nag paningning sa kaniyang mga Mata. Tears of Joy, oo sobrang saya niya lalo na't iyon ang kauna unahang beses na maka sakay siya ng Yate kasama si Kiel at sa ganuong romantic night pa
Naka ngiti habang naiiyak si Alena papalapit sa kaniyang asawa at ng maka lapit ay niyakap niya ito ng buong pag mamahal at hinalikan niya ito sa labi na siyang labis na nag patuwa narin kay Kiel.
"Suprise? " naka ngiting tanong ni Kiel sa asawa, tumango naman ito habang naka ngiti parin at may luha sa mga Mata nito, luha ng isang kasiyahan
"Thankyou " naka ngiting sabi ni Alena
"For you my beautiful wife" malambing na sabi ni Kiel sabay bigay nito ng hawak na kumpol na bulaklak.
"Ang dami mo talagang pakulo ha, hindi mo man lang ako ginising, nagulat talaga ako, wala na pala tayo sa Hotel tapos magigising akong nasa Yate na pala ako" wika ni Alena kaya nag kibit balikat na lamang si Kiel habang may ngiti sa labi pagka tapos ay inalalayan nitong maupo si Alena.
Habang dinadama nila ang malamig na simoy ng hangin at pinapakinggan ang bawat hamplas ng alon sa Yateng kanilang sinasakiyan ay masarap naman nilang nina-namnam ang masasarap na pagkain na ipina handa talaga ni Kiel sa kaniyang Chef
"Hmm ang sarap naman nito Kiel, firstime ko maka tikim nito " wika ni Alena habang napapa pikit na lamang dahil sa sobrang sarap ng pagkain na naka handa sa kanilang harapan.
"Si Chef Anthony from Thailand nag luto niyan Wife" wika ni Kiel kaya naman ay mas lalong nilantakan ni Alena ang mga pagkain na ipina handa lahat ng asawa
"Be careful wife wala kang kalaban " natutuwang wika ni Kiel habang naka ngiting pinapanuod si Alena na napaka ganang kumain.
"Hmmm grabe ang sarap niya mag luto Kiel sobrang nagustuhan ko lahat" ani ni Alena habang may laman paring pagkain ang bibig nito. Dahil duon ay naka limutan saglit ni Alena ang mga itinuro sa kaniya sa Singapore, bumalik ang dating Alena na walang ka arte arte. Wala itong gamit na kubyertos bagkus ay Nag kamay lamang ito habang nilalantakan lahat ng naka handa.
"Kung ganon si Chef Anthony kukunin natin sa Wedding natin Wife" ani ni Kiel kaya naman sa gulat ay nabulunan si Alena. Napa ubo ito kaya naman ay nata ranta si Kiel at natakot
"I'm sorry wife nagulat ata kita, kumusta pakiramdam mo? " nag aalalang wika ni Kiel habang hinihimas parin ang likod ng asawa.
"Ayus na ako" tugon ni Alena pagka tapos niyang uminom ng tubig.
*
Nagising si Layla dahil sa magkaka sunod na katok ang umistorbo sa kaniyang masarap na tulog. Tamad siyang bumangon at inaantok parin niyang tinungo ang Pinto.
Napuyat talaga siya dahil madaling araw na siyang naka uwi galing sa Bar at palagay na niyang si Flower ang nag hatid na naman sa kaniya sa kaniyang Bahay. Ang bahay na niregalo sa kaniya ni Federik nung bagong kasal Pa lamang sila.
"Sino 'yan? "Aniya ng maka lapit siya sa Pinto ngunit wala siyang narinig na sagot mula sa labas ng Pinto , kaya naman ay binuksan na lamang niya iyon.
"Yes? " ani ni Layla sa isang may katandaang babae, tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Kaya naman ay nasisigurado niyang mayaman ito at hindi nga siya nag kamali nang mapansin niya ang maraming tauhan na kasama nito. Naka kulay itim lahat ng tauhan nito, habang ang matandang babae naman ay naka kulay pula ang mga kasuotan nito, maging ang bag at high heels nito ay kulay pula rin, may Hawak itong sigarilyo sa kaliwang kamay nito at nakaka silaw ang mga Alahas nito sa katawan. Kung hindi siya nag kakamali ay nasa fifty pataas ang edad nito .
"Yes? Sino sila? " ani ni Layla sa mga taong nasa harapan niya. Ngunit ganuon na lamang ang pag kunot nuo ni Layla ng bigla na lamang pumasong ang Babae maging ang mga tauhan nito.
"Hey sino kayo? At bakit basta basta nalang kayong pumapasok dito? " nag tatakang saad ni Layla sa mga ito.
"Hindi ka nababagay dito, napaka liit ng bahay na ito kumpara sa bahay natin ng kapatid mo" naka ngiwing wika ng babae pagka tapos ay pinasadahan nito ng tingin ang hindi kalakihang bahay na iyon.
"Hey matandang pinakuluan sa pinturang pula, hindi ko kayo kilala, at tanong kapatid pinag hmmm----
Hindi na naituloy Pa ni Layla ang kaniyang sasabihin ng may bigla na lamang may tumakip sa kaniyang ilong at bibig dahilan upang mawalan siya ng Malay.
"Ingatan niyo sige dalhan na'yan" utos ng babae sa mga tauhan nito.
*
"Thank-you so much Kiel" buong pusong wika ni Alena habang magka yakap silang sumasayaw at dinadama ang malamyos na tugtog ng mga Violin, apat na lalaki ang nag ba Violin kaya naman ay mas lalong nadadama ni Alena ang Napaka romantic ng gabi na iyon, kasama ang pinaka mamahal na asawa. malalim na ang Gabi kaya naman ay damang dama nila ang malamig na simoy ng hangin
"For what Wife? " mahinang tugon ni Kiel habang naka pikit ang mga Mata nito at dinadama ang kanilang yakapan, habang dahan- dahan sumasayaw ang kanilang mga paa
"Sa pag mamahal mo ,sa kabutihan mo at sa pag titiis mo" wika ni Alena habang pinapakinggan niya ang t***k ng puso ng asawang kayakap, nasa tapat ng dibdin nito ang kaniyang mga tenga kaya naman ay rinig na rinig niya ang bawat pintig ng puso nito.
//Continue