"Hmm ano ba inaantok pa ako Love" naka pikit paring saad ni Alena, kanina pa ito ginigising ni Kiel dahil nasa Samal Island na sila ng Davao at mahigit alas-Diyes na ng umaga ay hindi parin nakaka pag almusal si Kiel. Dahil kanina pa niya hinihintay gumising ito, kanina ay hinayaan muna niya dahil kasalanan rin naman niya kung bakit ito napuyat. Madaling araw na sila naka tulog. Kaya heto siya ngayon nahihirapan siyang gisingin si Alena. "Wife nasa Davao na tayo, mag tatanghali na Wife, sige ka kung hindi ka babangon bubuhatin kita at tatalon tayo sa dagat " ani ni Kiel habang nilalaro ng kaniyang hintuturo ang malambot na braso ni Alena, wala parin itong saplot at tanging puting kumot lamang ang tumatakip sa kahubaran nito "inaantok Pa ako eh, gusto kopang matulog mamaya na tayo

