NANG MAKABALIK si Alexandra sa Rancho Villaruiz ay nilista niya ang kaniyang mga kakailanganin. Masaya siya dahil bago siya umalis ng Maynila ay binigyan siya ng pahintulot ng ama. Nagtataka nga siya dahil pumayag agad ang kaniyang ama na walang diskusyon na nangyari. Basta-basta lang ito pumayag sa kagustuhan niya na puntahan ang sinasabing kinaroroonan ng kweba. Iilang oras pa lang ang lumipas buhat nang makabalik siya. Hindi pa sila nagkikita ni Lawrence dahil pumunta ito sa bayan. Pero nang magbandang hapon na ay umuwi na at ito ay kaniyang sinalubong. ""Hey!"" Pagsalubong niya rito. ""Yes? Miss me?"" tanong ni Lawrence. Umarko ang isang kilay ni Alexandra. ""Kapal ng mukha mo!"" singhal niya. ""I'm just kidding!"" Binawi rin ni Lawrence ang sinabi nito. ""How is your two days i

