MAAGANG gumising si Alexandra para makaalis din sila ng maaga. Sinikap niyang magkaroon ng sapat na tulog kagabi para makundisyon ang kaniyang katawan. Nag-inom din siya ng vitamins para may dagdag resistensya ang kaniyang pangangatawan. Ito na ang araw na pupuntahan nilang dalawa ni Lawrence ang kinaroroonan ng kweba. Kagabi pa lang ay sabay nilang hinanda ni Lawrence ang kanilang mga dadalhin. Tig-iisa silang waterproof na backpack at mahahalaga ang bawat laman niyon. May dala silang mga extra na damit dahil baka hindi agad sila makauwi. May dala rin silang sapat na pagkain at na mga ready-to-eat na. Maliban pa sa mga nabanggit ay may mga dala rin silang tent, sleeping bag at duyan na kagaya sa mga duyang ginagamit ng mga sundalo. Hindi rin nila nakalimutang magdala ng first aid kit p

