TAHIMIK lang at hindi sumagot si Alexandra sa mga tanong ni Lawrence. Alam niyang narinig nito ang sinabi niyang sa bayan siya pupunta. Hindi na niya kabisado ang daan papuntang bayan at nagtitingin-tingin lang siya kanina kapag may madaan silang grocery dahil doon na siya bababa. Subalit buong biyahe nila ay wala siyang nakitang grocery store man lang. Balak niyang bumili ng mga candies o mga ano-ano pa para sa mga batang estudyante sa dating eskwelahan. Balak niya ring um-order sa fast food restaurant para may munting handog siya sa kaniyang pagbabalik. Pero ano ito? Dinala siya ni Lawrence sa bahay na may dalawang palapag. Mukhang makaluma na ang bahay na ito dahil sinang-una pa ang desinyo. Pero maganda namang tingnan dahil malawak ang bakuran na binuhusan ng mga maliliit na bato. "

