""BESTIE..."" Mahigpit na yumakap si Sabrina kay Alexandra nang magkita na sila. ""Na-miss kita ng sobra, bestie."" Nang maghiwalay silang dalawa ay maluha-luha na itong kaibigan niya. ""Na-miss din kita, Sab!"" aniya sa kaibigan at niyapos niyang muli ito. ""Kaninang tanghali pa sana kita balak puntahan doon sa Rancho Villaruiz, bestie. Kaso lang sa sobrang init ay tinamad ako at balak kong mamayang uwian na lang kita bibisitahin doon,"" ani Sabrina. Nagsalubong ang mga kilay ni Alexandra sa narinig mula kay Sabrina. Pumunta siya sa eskwelahang ito upang sorpresahin si Sabrina. Subalit alam na pala ng kaibigan niyang nakabalik na siya sa lugar na ito. Sino naman kaya ang KJ na nagbalita kay Sabrina? Si Lawrence kaya? ""Sab, pa'no mo nalaman na nakabalik na ako rito?"" pasimpleng tano

