NAKATIGILID si Alexandra. Nakapikit lamang siya pero hindi tulog. Nagtutulog-tulugan lamang siya at walang galaw-galaw habang nakakumot. Nakikiramdam lang siya kay Lawrence na nasa tabi nito. Kung kanina ay ang tapang ni Alexandra habang kaharap si Lawrence, ngayon ay tamang tago na lamang siya sa kumot. Hiyang-hiya siya rito at mistula siyang sinampal sa kabilaang pisngi. Maya-maya pa ay nakaramdam siya ng lagitgit ng papag. Sa palagay niya ay tumayo yata si Lawrence. Subalit nanatili lamang siyang pagpapanggap na tulog. Hindi nagtagal ay naramdaman niyang may humila sa kumot niya. ""Ano'ng kaya ang gagawin nito?"" sa isip niya. Bago pa tuluyang matanggal ni Lawrence ang kumot niya ay sinadya niyang gumalaw at umingos. ""Ssshhhh..."" Tinapik-tapik ng marahan ni Lawrence ang kaniyan

