***LAWRENCE'S POV*** INIWAN ni Lawrence si Alexandra sa loob ng kubo. Dali-dali muna siyang lumabas upang maghanap ng panglunas sa sugat ni Alexandra. Nakita niya kaninang may maliit na puno ng bayabas sa bakuran ng kubong ito. Iyon ang kaniyang tinungo at nanguha siya ng dahon. Ewan ba niya pero para bang pinagtatagpo ang landas nilang dalawa. Plano pa sana niyang pumunta bukas sa Rancho Villaruiz upang ibalik ang kwintas nito at humingi ng tawad. Pero paano na ito ngayon? Natitiyak niyang siya na naman ang sisihin ni Alexandra sa nangyari. May sa kanyon pa naman ang bibig niyon kung maglabas ng masasakit na salita. Inuusig ng konsensya si Lawrence. Hindi niya dapat iniwan si Alexandra habang hindi pa tapos umihi. Hindi pa siguro ito nadisgrasya kung naroon lang siya sa tabi nito. Na

