***LAWRENCE'S POV*** PAKIRAMDAM ni Lawrence ay hindi siya makahinga. Hindi niya akalaing sa ganoong paraan sila magtatagpong muli ng dating kaklase na si Alexandra. Si KATERINA ALEXANDRA MONTEVERDE na itinuturing niyang malaking pader na binabangga niya sa loob ng klase. Sa pagkikita nilang muli ay muli ring nanariwa sa kaniyang isipan iyong mga nangyari sa nakaraan. Nagsimula ang lahat nang maging hadlang si Alexandra sa inaasam-asam niyang pangunguna sa klase. At dahil doon naglaho ang pinapangarap niyang bisikleta dahil hindi siya naging TOP 1. Sa nangyari ay ibinuntong ni Lawrence ang galit kay Alexandra. Ito naman kasi ang naging balakid kung bakit hindi niya iyon nakamit. Mula noon ay kinaiinisan na ni Lawrence si Alexandra. Iyong tipong wala itong ginagawang masama sa kaniya pero

