TUMILA ang ulan at nagdesisyon si Alexandra na umuwi na. Maayos siyang nagpaalam sa aleng nagpatuloy sa kaniya sa tahanan nito upang makasilong siya at hindi mabasa. At bago niya sakyan ang motorsiklo ay pinunasan upang matuyo. ""Salamat po ulit!"" Kumaway siya sa ale. ""Ingat, neng!"" nakakaway rin nitong tugon. Halos kalahati lamang ng bilis kanina ni Alexandra ang kaniyang naging takbo ngayon. Madulas ang daan dahil basa kaya kailangang magdoble-ingat. Magugulatin pa naman siya at natataranta lalo na kapag may asong patawid. At kung kailan palapit na siya sa may sapa ay todo ang dasal niyang hindi naman sana baha. Ngunit tila hindi narinig ng diyos ang mga dasal niya. Nang malapit na siya sa sapa ay natanaw niyang lagpas pampang ang kulay tsokolateng tubig. Baha at tanging may kakay

