BUKOD SA hinandang mga paboritong pagkain ni Alexandra ay mayroong videoke na siyang paborito niyang libangan. Malaking flat screen TV pa ang nilagay sa konkretong dingding ng function hall para talaga malinaw na makita ang lyrics nang kung sino man ang kakanta. Matapos kumain ni Alexandra ay hindi videoke ang inatupag niya. Mas inuna niyang alamin kung kaninong property ito. Tinanong niya ang Daddy Dylan niya na siyang nakaupo sa kaniyang tabi. Tinanong niya kung rented ba ang lugar na ito para sa pag-uwi niya o pag-aari nilang Monteverde. ""Better to watch this, 'nak!"" May pinindot sa remote control si Dylan. Pagkuwan ay lumabas sa TV ang isang video. Pinanood nilang lahat ito at nang matapos ay nalaman ni Alexandra na apat na taong gulang pa lamang siya nang bilhin ng Daddy Dylan ni

