MATAPOS ang selebrasyon ng twenty-fifth birthday ni Alexandra ay silang pamilya na lang ang natira sa Rancho Monteverde. Siya, si Xander, at ang kanilang ama't ina lang ang naiwan doon. Hindi naman literal na apat lang dahil hindi kasama sa bilang ang mga caretakers at maids nila sa lugar na iyon. Pinalipas ni Alexandra ang mahigit dalawang linggong pananatili sa Rancho Monteverde kapiling ang kaniyang mga magulang. Walang siyang ginawa sa lugar na ito kundi ang maglibot-libot, maligo sa talon at gumuhit ng panibagong masasayang alaala kasama ang kaniyang magulang at kapatid. At nang sumapit ang araw ng sabado ay maaga silang nagising para maghanda sa kaniyang pag-uwi sa Rancho Villaruiz. Kagabi pa lang ay halos hindi na siya makatulog sa sobrang excitement. Kay tagal niya ring hinangad

