KINAHAPUNAN ay nagpaalam na kay Alexandra ang kaniyang Ninang Lea. Babalik na ito sa Metro Manila bago pa magdilim. Si Lea lamang ang umalis dahil ang kaniyang mga magulang ay nagpaiwan sa Rancho Villaruiz. Wala siyang ideya kung kailan ang mga ito uuwi sa Maynila o sa Rancho Monteverde man. ""Mom?"" wika ni Alexandra sa ina nang makita ito sa kusina. ""Yes, 'nak? Do you need something?"" tugon ng ina. Umiling si Alexandra. ""Gusto ko lang manghingi ng sorry, mom, about sa nangyari kanina."" Mas lumapit sa kaniya ang ina na halos magdikit na sila. ""Hindi ka dapat sa akin nagso-sorry. Doon ka dapat kay Daddy at saka kay Mayor Lawrence na sinigaw-sigawan mo kanina,"" wika ng ina. ""Kay Daddy magso-sorry ako pero kay Lawrence, hindi! Kay Daddy lang kasi ako may kasalanan pero kay Lawre

