H E N R I Ang pang-apat at huling klase ko ngayong araw ay kanselado nang hindi dumating ang instructor namin sa subject na Tourism & Hospitality Management. Nagkaroon daw kasi ng urgent meeting ang mga instructor ng school kaya maaga kaming na-dismiss ngayong araw. Pumunta ako sa locker room para ilagay ang mga gamit na ayokong dalhin sa bahay. The materials I used on my last subjcet. When I opened my locker, at nang mailagay na ang mga dapat kong ilagay sa loob no'm, I was about to close it when I noticed something. May nakaipit na papel sa librong nakalagay roon. Natigilan ako't marahang hinila 'yon. It's not a red note. Nagulat ako nang tuluyan kong makita ang itsura ng papel na 'yon. Hindi nga ito isa sa mga creepy na red notes na natatanggap ko noong nakaraang linggo ngunit this

