H E N R I Hindi maalis ang ngiti ko habang naglalakad sa hallway ng building kung nasaan ako ngayon. Papunta ako ngayon sa pangatlong klase ko ngayong araw. Actually, kanina pa ako mukhang tangang napapangiti sa kawalan magmula noong hinatid ako ni Scott rito sa campus. Konti na nga lang at pagkakamalan na akong may sira sa ulo. Naisipan kong dumaan muna sa men’s restroom bago tuluyang ipagpatuloy ang paglalakad ko sa classroom kung saan ako pupunta. Mayroon pa naman akong sampung minuto. Habang naghuhugas ng kamay at nakatingin sa harap ng salamin, pansin ko ang lawak ng pagngiti ko. Naalala ko na naman ‘yong kahapon, kasama ang mga kapatid ni Scott, at si Scott. Hindi ko maiwasang mapangiti tuwing maaalala ang dalawang araw na bakasyong iyon kasama sila. Kasama si Scott. Gabing-ga

