H E N R I “Jessy, hindi ba gusto mong pumunta sa beach?” napatingin sa akin ang tatlong magkakapatid nang tanungin ko si Jessy habang kumakain kami ng agahan. Napangiti ito sa akin bago sumagot. “Opo, Kuya Henri! May beach ba rito?” ang tanong nito sa akin bago bitawan ang kutsara sa plato. “Hindi rito pero may alam ako kung saan mayroong dagat,” ang nakangiti kong sagot sa kanya’t tiningnan si Scott na katabi ko. “Pagkatapos nating kumain, pupunta tayo roon.” Pagpapaalam ko sa kanila. Natuwa naman si Mac. “Yehey! Magdadagat kami!” “Excited na akong maligo sa dagat!” ang sabik na sabi ni Jessy. Napangiti ako sa reaksyon ng dalawang nakababatang kapatid ni Scott. “Ayos sa akin ‘yan.” Seryosong sabi ni Scott habang nakatingin sa akin nang may matipid na ngiti. “Matagal na rin simula

