NAKATANGGAP si Candice ng tawag mula sa abogado nila sa Manila na si Atty. Manalastas. Nagtatanong ito kung may update na siya tungkol sa provision ng Mommy niya. Ibinalita rin nito ang ginawang pakikipagkita ni Vicky sa abogado. Naghahabol daw ito sa kayamanang iniwan ng Mommy niya. ''Atty. alam mong walang karapatan ang babaeng iyan sa naiwan ng Mommy ko.Bakit naman niya naisipang maghabol?'' nang gigigil sa galit si Candice. Napakakapal talaga ng mukha ng babaeng iyon pagkatapos magpakasasa sa kabuhayan ng Daddy niya ay may gana pang maghabol sa perang wala naman itong karapatan. ''Iha ang akala ni Miss Palermo na walang pinirmahang prenuptial agreement ang Daddy mo bago ito na kasal sa Mommy mo. Kaya naman inisip niya na dahil kasal ang Mommy mo sa Daddy mo at pareho nang namayapa

