HAPON at nasa tabing dagat si Candice. Nakaupo sa buhanginan at nakatanaw sa papalubog na araw. Nang matanawan ni Austin si Candice ay lumapit ito sa dalaga at naupo sa tabi nito. ''Ang ganda talaga ng sunset dito sa San Vicente noh?'' kausap ni Candice kay Austin. ''Napaka ganda talaga!" si Austin na kay Candice naman nakatingin at hindi sa Sunset na tinutukoy ni Candice. Napalingon si Candice ng maramdaman ang titig sa kanya ni Austin. ''Matagal ko nang alam na maganda ako! Kaya itigil mo na iyang titig mo sa akin at baka matunaw ako,'' kunwari ay pagtataray ni Candice sa binata. ''Pinapaalala ko lang naman na maganda ka. Baka kasi makalimutan mo,'' naka ngiting sagot naman ni Austin. ''Bakit pala mukha yatang feeling close ka sa akin ngayon?'' puna ni Candice sa paglapit-lapit sa

