NASA ABC Resort si Candice sinundo siya ni Austin para doon daw sila mananghalian. ''So ano,masarap ba?'' si Austin hindi makapaghintay sa hatol ni Candice sa niluto niyang Kare-kare. Sabi kasi ni Candice ay iyon ang isa sa paborito nitong ulam kaya nagpaturo si Austin sa chef nila sa restaurant kung paano iyon lutuin. ''Hmmm...'' ibinibitin ni Candice ang sasabihin. Natutuwa kasi siya sa hitsura ni Austin. Para itong bata na naghihintay na masabihan ng teacher ng very good. ''Sweetheart, ano? Okey lang ba?" makikita sa asul nitong mga mata ang pangamba na baka hindi magustuhan ng dalaga ang niluto niya. ''Okey lang...'' si Candice. ''Just okey?" dissapointed na tanong ni Austin at parang nalungkot ito. ''Joke lang. Sobrang masarap! Ang galing mo magluto," nakangiting sabi ni

