SA Niniita's Lutong Bahay ginanap ang maliit na salu-salo puro mga malalapit na kaibigan lang ni Katrina at Bryan ang naroon. Hindi daw comfortable si Katrina sa maraming tao kaya puro mga malalapit lang nilang kaibigan ang inimbita. Sila ang pinaka huling dumating dahil pinatulog pa ni Sabrina si baby Luis bago iniwan sa yaya nito na pinatulog muna sa resort at doon din mamaya uuwi ang mag-asawa pagkatapos ng party ni Katrina. Naroroon na si Adam,Nathan at Jaden na may mga dalang kapareha Si Austin lang ang kulang sa dating ''The San Martin High Romeo''. Nagulat ang mga nadatnan nila ng makita si Candice na kasama ni Sabrina at Gregory at mas nagulat pa ang mga ito ng mapansin ang umbok ng tiyan ni Candice. Unang nakabawi sa pagkagulat si Katrina at sinalubong sila pagkatapos bumati

