NAKAAWANG ang bibig ni Sabrina ng makita si Candice. Kagabi ay nag return call ito sa kanya at sinabing darating ito at nagpapasundo sa airport. Bagaman at maluwang na summer dress ang suot nito ay halata na ang umbok ng tiyan nito. ''Hi! bati ni Candice sa gulat na anyo ni Sabrina at nakipag beso sa kaibigan at binati si Gregory na bagaman at nagulat rin ng makita siya ay hindi naman masyadong halata. ''This is my brother Philipp...Philipp say hello to your ate Sab and Kuya Greg," pagpapakilala ni Candice sa mga ito. ''Hi po...'' nahihiyang bati ng binatilyo. ''Hello young man... ani Sabrina at hinalikan sa pisngi si Philipp. Si Gregory naman ay ginulo ang buhok ng binatilyo bilang pag bati. At ito na ang nag hila sa dalawang maleta na dala nila Candice. Imbes na sa tabi ng asawa

