Briana Napabuga ako sa hangin at saka ako nakaisip ng paraan. Kung magpanggap na lang kaya ako na nawalan ng malay? Tiyak akong hindi na matutuloy ang kasalan na ito. Tama! Iyon nga ang gagawin ko para matigil na ang lahat ng ito. 'There are times, when I just want to look at your face, with the stars in the night. There are times, when I just want to feel your embrace, in the cold of the night. I just can't believe that you are mine now.' Kumabog ang dibdib ko nang magsimula ng may kumanta. Kasabay no'n ang marahan na pagbukas ng pintuan ng simbahan. Para akong nasa spotlight nang mga sandaling iyon dahil sa akin lahat nakatingin ang mga taong nasa loob. Sinimulan kong humakbang kahit na nanginginig ang mga tuhod ko. Grabe! Ganito pala ang feeling kapag ikinakasal? Pabalik-balik sa

