Briana "Anak, hindi porque kasal ka na ay maglilihim ka na sa amin ng Mommy mo. Magsasabi ka lagi sa amin, lalo na kung pinaiiyak ka ng asawa mo," sabi sa akin ni Daddy. Sasagot sana ako nang biglang lumapit sa akin ang Papa at ang lola ni Zairus. Binati nila ako at nagbigay galang naman ako sa kanila. Nagulat ako nang bigla ring sumulpot sa tabi ko si Kacelyn. "Baliw ka na ba talaga?" bulong niya sa akin. Agad naman akong nag-excuse kina Mommy at hinila ko si Kacelyn palayo ng bahagya sa kanila. "Kace..." problemadong sambit ko. "Grabe ka, Briana. Sira na ba 'yang tuktok mo? I thought magpapanggap lang kayo na mag-on. Bakit ka nagpakasal sa kanya—" Agad kong tinakpan ang bibig niya. "Ssh! Huwag kang maingay. Baka may makarinig sa'yo," awat ko kay Kacelyn. "Saka na ako magpapaliwanag

