Briana "Naku, lola, papa, kaya naman po namin ni Zairus umuwi. Mag-iingat naman po kami—" Agad ding pinutol ni lola Iris ang sinasabi ko. "Wala namang masama kung dito kayo matutulog ngayon. Bukas na kayong umuwi na dalawa, okay?" maawtoridad na sabi ni lola at hindi na nga ako nakaangal pa. "Sige na, magpahinga na kayo," senyas naman sa amin ni papa. "Berta," tawag ni lola sa kasambahay nila. "Yes po, madam?" tugon ni ate Berta. "Ipaghanda mo ng bathrobe ang dalawang ito, para makapaglinis muna sila ng katawan nila bago matulog," utos ni lola kay ate Berta. "Okay po," tugon ni ate Berta at umalis na nga ito. Agad naman akong naalarma. "Naku, lola, pwede naman po kami matulog ni Zairus ng ganito ang suot—" Muli na namang pinutol ni lola ang sinasabi ko. "Mas masarap matulog kung n

