Briana Ilang minutong katahimikan ang pinagsaluhan naming dalawa nang biglang tumunog ang cellphone niya. Sinulyapan niya ito, pagkatapos ay nagbalik ang tingin niya sa daan na tinatahak namin. "Sino 'yan?" bigla kong naitanong. Wait— Ano naman bang pakialam ko kung sino ang tumatawag sa kanya ngayon? Bakit ba ako nagtatanong ng hindi dapat itanong? "Uhm... I mean—just answer your call," pahabol kong sabi sa kanya. Gamit ang isang kamay ay pinindot niya ang answer button ng kanyang cellphone, tapos ini-loud speaker niya ito saka ipinatong sa harapan niya. "Yes hello?" "Anong oras ka babalik?" sabi ng nasa kabilang linya, at alam ko na kung sino ang may-ari ng boses na iyon. "After forty-five minutes, nandyan na ako. Saglit lang 'to," tugon ni Zairus. Napako ang tingin ko sa kanya

