Briana "Hey, Briana!" Kapwa kaming napalingon ni Manuel sa tumawag sa akin. Si Rica. Nakangiti habang kumakaway. Kasama niya si Zairus at Lory, na para bang tinuturo niya kami kina Zairus. Ngumiti ako kay Rica. Pagkatapos ay nagtama ang mga paningin namin ni Zairus sa isa't isa. Naramdaman ko na naman ulit 'yong kirot sa puso ko, kaya naman nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya. Ilang sandali pa ay nakalapit na pala sila sa amin. "Briana, asawa mo," sabi ni Rica. "Nabanggit ko sa kanya na nandito ka sa party. Hindi pala niya alam na pupunta ka?" Nagkatinginan kaming muli ni Zairus. Nasa tabi niya si Lory. Si Lory na naman. "Uhm, oo. Hindi na kasi ako dumaan sa bahay kanina. Dumeretsyo na ako sa kaibigan ko tapos kami ang sabay na nagpunta rito," tugon ko kay Rica. "Rica! Lapit na

