Briana Nilingon ko ng makailang ulit ang magandang babae na nakausap ko. Nakita ko siyang lumuluha kanina kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong tanungin kung ayos lang ba siya. Nang makalapit naman ako kay Nimfa ay iniabot niya sa akin ang telepono. "Hello?" paunang sabi ko sa nasa kabilang linya. "Hello? Briana? Is that you na ba?" tanong ng nasa kabilang linya. Parang pamilyar sa akin ang boses niya. "O-oo. Ako nga ito," tugon ko. "Gosh! I'm glad I talked to you again. Ako ito, si Rica. Remember? tanong niya. "Oh. Yes, Rica. Kumusta?" "Ito maganda pa rin," tugon niya sabay tawa. Napatawa na lang din ako sa kanya. "Uhm, pasensya ka na kung dito ako tumawag sa landline ng office mo, well napatawag talaga ako para i-invite ka. Kapag kasi dito ako tumawag, sure ako na masasa

