Briana "Mommy, hanggang kailan po kayo rito?" tanong ko kay mommy habang naghihiwa ito ng sibuyas at bawang para sa pagluluto niya ng ulam namin ngayong tanghalian. "Bakit, anak? Gusto mo na ba kaming umalis ng daddy mo?" "H-hindi naman po sa gano'n, mommy. I just want to know—" "Bakit? Ayaw na ba ng asawa mo na nandito kami?" mahinang tanong sa akin ni mommy. "Of course not, mommy. Syempre masaya po si Zairus na kasama po namin kayo," tugon ko habang nagbabalat ng patatas. "Eh bakit ba parang gustong-gusto mo na kami paalisin ng daddy mo?" May bahid ng pagtatampo ang boses na iyon ni mommy. Sasagot pa sana ako sa kanya pero bigla ulit siyang nagsalita, na animo'y may naisip na magandang dahilan. "Nakakaistorbo ba kami sa pagme-make love ninyo—" Natigilan ako sa ginagawa ko at mabili

