Ella Rose Maaga akong nagising dahil sa maagang appointment ko. At kahit na tinatamad akong kumilos ay no choice akong nag-ayos ng sarili ko. Nang matapos naman ako sa pag-aayos ay lumabas na ako ng kwarto at laking gulat ko nang sa pagbaba ko ay nakita ko si mommy na naghahanda ng almusal. "Eat your breakfast before you leave," aniya. "Bakit ang aga niyo po gumising? May lakad din po ba kayo ng maaga?" tanong ko kay mommy sabay upo sa dining chair. "Wala akong pasok ngayon. Off ko," tugon niya. "Really? Eh bakit po ang aga niyo gumising?" "Para maipagluto ka. Baka umalis ka na naman nang walang laman ang sikmura." Natapos siya sa paghahanda at pagkuwan ay naupo na rin sa katapat kong upuan. "Mommy, malaki na ako," sabi ko sa kanya. "Porque malaki ka na ba ay bawal na kitang ipaglu

