Briana Ilang araw na ang nakalipas mula nang gabi na kausapin ako ni Lory, at hilingin sa akin na makipaghiwalay na lamang ako kay Zairus. Ilang araw na rin magmula noon na hindi kami nagkikita ni Zairus. Sa bahay naman na ako umuuwi, pero sadyang iniiwasan ko na lamang na magkita kaming dalawa. Tuwing umaga ay maagang-maaga akong umaalis ng bahay. 'Yong tipong tulog na tulog pa siya. Tapos maghapon akong nagbababad dito sa Brightly Coffees. Tapos sa gabi naman ay gabing-gabi ako uuwi. Para lang hindi ko siya maabutan sa sala o maabutan na gising pa. Kung minsan ay nagpapalipas na lamang ako ng oras sa gabi sa mall, bar, o 'di kaya'y sa condo ni Kuya Mark bago tuluyang umuwi. Sa totoo lang ay inihahanda ko na unti-unti ang sarili ko sa pakikipaghiwalay sa kanya. Nag-iisip na ako ng mga

