Briana Isang linggong matulin ang lumipas. At ang pagsasama namin ni Zairus ay tuluyan na ngang nagbago. Kung noon, ako ang umiiwas sa kanya, ngayon ay ramdam na ramdam ko naman ang pag-iwas niya sa akin. Gigising ako sa umaga na nakaalis na siya, at kahit umuwi ako ng maaga sa bahay ay hindi pa rin kami nagpapang-abot. Sapagkat madalas siyang umuwi ng gabing-gabi, o 'di kaya'y magdamag siyang wala. Kung may pagkakataon man na magkikita kami sa bahay ay hindi naman niya ako pinapansin. Ni hindi rin niya ako tinatapunan ng tingin. At ang pagbabago at panlalamig na pakikitungo niya sa akin ang unti-unting humihiwa at sumusugat sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit naging ganito na siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit naging ganito na kami. Malayong-malayo sa dating samahan namin. Sa toto

