Briana Halos mapatalon ako sa gulat nang sigawan ako ni Kacelyn. "Grabe ka naman, te! Ano bang problema mo?" tanong ko sa kanya habang sapo-sapo ko ang dibdib ko. "Kanina pa ako nagsasalita rito, hindi ka naman nakikinig. Lakad dito lakad doon, kanina ka pa pabalik-balik. Nahihilo na ako sa iyo," pagtataray niya sa akin. Naupo ako sa harap ng table niya. Nandito ako ngayon sa office niya. After kasi nang pag-uusap namin ni m******s na unggoy ay hindi na ako mapakali. "Briana," seryosong tawag niya sa akin. "Huh?" painosente kong tugon. "May sasabihin ka ba? May nangyari ba? Magugunaw na ba ang mundo? Sasakupin na ba tayo ng mga alien? Ano? Sabihin mo sa akin ang bumabagabag sa iyo," sunod-sunod na tanong niya. Baliw rin talaga ang kaibigan kong ito. "Ang OA naman no'n," komento

