Chapter 5: Girlfriend

1725 Words
Briana   Nakangiti siyang tumayo tapos ibinaba niya ng bahagya ang suot niyang shades saka kumindat sa akin. "It's nice to see you again," bati niya. "I-ikaw? A-anong ginagawa mo rito?" mautal-utal na tanong ko. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako o ano. "I'm here to see you... again," nakangising sagot niya. Ilang segundo lang ay nakabawi ako mula sa pagkabigla ko. Totoo ngang nasa harapan ko ngayon ang lalaking bastos na ito. "Nangbubwisit ka ba talaga?" asar kong tanong sa kanya. "May masama ba sa ginagawa ko? Gusto lang naman kitang makita," aniya. Napapikit ako saglit saka huminga ng malalim. Pinilit kong kalmahin ang akin sarili. "Alam mo, hindi naman kita kilala. Ano bang kailangan mo?" mahinahon kong tanong. "Ako hindi mo kilala, but I know you, Briana Stephen." Nanlaki ang mga mata ko nang banggitin niya ng buo ang pangalan ko. "And we need to talk," dagdag niya pa. "P-paano mo nalaman ang pangalan ko?" gulat kong tanong. "Sino ka ba talaga? Espiya ka ba ng kabilang coffee shop?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Muli siyang ngumisi sa akin saka nagsalita. "Let's talk somewhere," aniya na akmang hahawakan ako sa palapulsuhan ko. "No," agad kong sagot sa kanya at mabilis ko ring iniwas ang sarili ko. "It's not a question for you to answer no," sarkastiko niyang sabi. "At bakit naman ako papayag na makipag-usap sa'yo sa kung saan?" masungit na sabi ko rito. "Sigurado akong papayag ka kapag nalaman mo," tugon niya. "Unless you say sorry," saad ko naman. Kumunot ang kanyang noo. "Why would I do that?" tanong niya. "Don't tell me nakalimutan mo na?" tanong kong pabalik sa kanya. Nanatiling nakakunot lamang ang kanyang noo at tila ba iniisip niya ng mabuti kung ano ang ibig kong sabihin. "Ni hindi mo nga matandaan kung anong ginawa mo sa akin. Tapos ang lakas ng loob mong magpakita ulit sa akin?" inis na tanong ko sa kanya. Ninakaw niya ang first kiss ko! Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang iyon. Tapos siya, eto at umaaktong walang kasalanan sa akin. "Wala naman talaga akong maalala na ginawa ko sa'yo na dapat kong ihingi ng tawad," painosente niyang sabi. Ang kapal niya talaga. "Talaga ba?" sarkastiko kong tanong sa kanya. "Well, wala rin akong nakikitang rason para kausapin ka," saad ko pa. Tinalikuran ko siya at akmang aalis na sana... nang bigla siyang humarang sa daraanan ko. "Wait. I said we need to talk," pangungulit niya. "Sorry, but I didn't talk to a stranger," tugon ko naman. Mainam niya akong tinignan saka muling nagsalita. "Okay," aniya habang tumatango-tango pa. "I'm Zairus Acosta," pagpapakilala niya sa akin. "So, let's talk now—" "Sorry, Mr. Acosta. But I'm not interested in anything you want to say," sabi ko sa kanya sabay ngisi. Hahakbang na sana ulit ako nang hawakan niya ang braso ko para pigilan ako sa pag-alis. "Kung ayaw mong idaan ko ito sa dahas, let's talk now," pagbabanta niya. "Let. Me. Go," madiin kong sabi. "I won't," pagmamatigas naman niya. "Tatawag ako ng pulis kapag hindi mo ako binitiwan, m******s na unggoy!" pagbabanta ko rin sa kanya. "Ano?" gulat niyang tanong dahil sa itinawag ko sa kanya. "Aba't!" Napabuntong hininga pa siya at napapikit na para bang nagtitimpi. Maya-maya pa'y nginitian niya ako ng nakakaloko. At nagulat na lang ako nang bigla niya akong buhatin. 'Yong buhat na parang bago kaming kasal. Kadiri! "Ano ba?! Let me go!" sigaw ko. Pinagtitinginan na kami ng mga customer at ng mga crew sa coffee shop ko. "Ma'am! May problema po ba?" tanong sa akin ng isa sa mga empleyado ko. "There's nothing to worry about. We're fine. Just excuse us," nakangiting sabi naman sa kanya ni m******s na unggoy. "What?! I'm not fine!" sigaw ko. Nakita ko ang pagkalito sa mukha ng mga tao at ng mga empleyado ko. Hindi nila malaman kung tutulungan ba nila ako o hahayaan na lang. "Everyone, we're just having a misunderstanding with our relationship. She's my girlfriend and I really need to talk to her. I can't lose her. So, please excuse us," nakangiting sabi ni m******s na unggoy sa lahat ng tao na nasa coffee shop. What the—ano raw?! Halos mapanganga ako sa mga pinagsasasabi ng m******s na unggoy na ito. At hindi na ako nakapag-react pa dahil dinala na niya ako sa labas.   **   "Are you mad?" basag niya sa katahimikan namin. Nanatili lamang akong walang imik at nakatanaw sa kung saan habang siya naman ay nagmamaneho ng sasakyan. "Don't worry, okay? I won't hurt you," saad niya. "I just really want to talk to you kaya ko ginawa iyon. At isa pa, hindi ka naman lugi kung isipan nga nila na boyfriend mo ako." Binalingan ko siya ng tingin. "I mean... sa gwapo kong ito, oh." Bakit ba ubod siya ng kayabangan? Hindi ko alam kung ano ba ang naging kasalanan ko at kailangan na makatagpo ako ng isang katulad niya. Napaka-arogante niya at wala akong nakikitang kahit na maliit na tyansya upang magkasundo kaming dalawa.  Bigla ko namang naalala na wala nga pala akong dalang bag at cellphone. Wala akong dalang kahit na ano! Baka mamaya ay kung ano pang gawin sa akin ng baliw na ito. Pero kung madedo man ako ngayon, I'm sure na mahuhuli rin siya dahil maraming nakakita na kinuha niya ako. Tama! Mabibigyan din naman ako ng hustisya kahit na papaano. Iwinasiwas ko ang aking ulo dahil sa mga isipin na iyon. "Hey! Are you with me?" tanong niya ulit. "Don't worry, hindi naman kita gagawan ng masama. I just want to talk to you. Iyon lang naman," aniya. "Kung pumayag ka lang kasi agad kanina, hindi na kita gagamitan ng... dahas." Napasinghap naman ako sa sinabi niyang iyon. Bakit parang kasalanan ko pa ngayon? Nanatili pa rin akong tahimik. Hindi ko pa siya pinansin. I just rolled my eyes habang nakatingin pa rin sa labas. Ilang minuto pa ay inihinto na niya ang sasakyan sa isang Park. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at pinagmasdan ang ganda ng kapaligiran. Hindi ko maiwasan na hindi mamangha sa ganda ng nakikita ko ngayon. Napakasarap din damhin ng sariwang hangin at ang saya panoorin ng mga batang masayang naghahabulan. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kabuuan ng nasa paligid ko. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin. Tiningnan ko siya at tinanggal naman niya ang suot niyang shades. Aaminin ko, ang gwapong nilalang nitong katabi ko ngayon. But on the other thought, m******s at baliw ito. "Ang gwapo ko ba?" tanong niya sabay lingon sa akin. "H-huh?" "You're staring at me," mayabang na sabi niya sabay ngisi sa akin. Bigla naman akong naubo. Nakakahiya naman na nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Minsan kasi talaga, hindi marunong makisama ang katawan ko sa sarili ko. "Alam mo, may pagkabanlag kasi talaga ako," pagdadahilan ko na lang. Bigla naman siyang natawa. Nagpatikhim ako saka muling nagsalita. "So, what do you want from me?" walang gana kong tanong sa kanya. Isang ngiti muna ang sumilay sa kanyang mga labi saka sinagot ang tanong ko. "Kaibigan ako ni Manuel," wika niya. "Kaya ba nagsinungaling ka at sinabi mong ikaw si Manuel para makipag-usap ako sa'yo?" tanong ko rito. "Sabihin na nating... ganoon na nga," tugon niya sa akin. "So, ano bang kailangan mo?" taas kilay kong tanong dito. "We both know that he will be getting married next week," saad niya. "Pwede bang deretsyuhin mo na ako?" tanong ko. "You like him, right?" Nagulat ako sa tanong niya. "A-ano?" "You like Manuel," kampante niyang sabi. Napalunok ako. Paano niya nalaman na gusto ko si Manuel? Wala naman akong ibang pinagsabihan no'n kundi ang best friend ko lang na si Kacelyn. Bukod sa aming dalawa ay wala nang iba pang nakakaalam no'n. "T-teka. Ano bang sinasabi mo diyan?" painosenteng tanong ko sa kanya. "Yes, I know. I'm right. You like him," tatango-tango niyang sabi. Huminga ako ng malalim saka nagsalita. "Hindi ko alam ang mga sinasabi mo. Pwede ba? Huwag mong aksayahin ang oras ko para lang dito." Oh yes, Briana. Best actress ka na niyan. "You really like him. You're in love with him–" Hindi ko na siya pinatapos pa sa mga pinagsasasabi niya. "I'm leaving," saad ko sabay talikod na sa kanya. "Listen to me first, Briana–" "Akala ko ba kaibigan ka niya?" putol ko sa kanya saka ko siya muling hinarap. "Yes," tugon niya. "Kaibigan nga niya ako." "Kung kaibigan ka niya, bakit mo ginagawa ang mga bagay na ito?" tanong ko. "Dahil nga kaibigan niya ako," sagot niya. Hindi ko siya maunawaan. Ikakasal na si Manuel. Bakit hinanap niya pa ako para lang kumpirmahin ang nararamdaman ko para rito. "Pwede ba? This is nonsense." Nagsimula na akong humakbang palayo sa kanya pero mabilis niya rin akong naharang. "Makinig ka na muna sa akin," pangungulit niya. Tumigil ako sa paglalakad dahil panay ang pagharang niya sa akin. Huminga ako ng malalim saka muling nagsalita. "Ano naman kung gusto ko nga siya?" tanong ko na siyang nagpangiti sa kanya. Napakunot ang noo ko. Nababaliw na yata siya. "Gusto ka rin niya," masayang sabi niya. Bigla naman akong napatawa sa sinabi niya. "Seryoso ako. Actually, he loves you," pangungumbinsi niya. "Funny ka rin pala, ano? Ang benta ng joke mo sa akin," saad ko sa pagitan ng mga tawa ko. "Believe me, Briana. Manuel really loves you," giit niya sa akin. Bahagya akong tumigil sa pagtawa tapos ay tiningnan ko siya ng deretsyo sa mga mata niya. "Ano bang trip mo?" tanong ko sa kanya. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilang muli ang pagtawa ko. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko tapos nagmura siya ng mahina. "Ano?" gulat na tanong ko dahil sa pagmura niya. Iniangat niya ang tingin niya sa akin at halos mabingi ako sa sumunod niyang sinabi. "Be my girlfriend," seryosong sabi niya. "A-anong sabi mo?" "Be my girlfriend, Briana," pag-ulit niya. Sandali akong natulala dahil sa sinabi niya at pagkuwan ay nabawi ko rin ang aking sarili. "Nababaliw ka na ba?" tanong ko habang marahan na natatawa. Nakita ko ang paggalaw ng lalamunan niya at ang pag-igting ng kanyang mga panga. Habang nanatili naman ang mga mata niya na mainam na nakatingin sa akin. "I'm serious," saad niya. "Be my girlfriend." And then suddenly, my heart was beating abnormally.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD