Briana "Saan mo gustong kumain, Ija? Nagugutom ka na ba? O gusto mong mamili na muna tayo?" masiglang tanong sa akin ni lola Iris—ang lola ni Zairus. "Kahit anong gusto niyo po ay ayos lang sa akin," tugon ko. "Mas mabuti nga siguro kung kumain na lang muna tayo. May alam akong masarap na restaurant na tiyak akong magugustuhan mo rin," aniya at sinunod ko na lang siya. Kumain kami at pagkatapos ay nag-shopping lang kaming dalawa. Panay naman ang pagkukwento niya ng mga bagay tungkol kay Zairus. Noong una ay sobrang naiilang ako sa kanya, iniisip ko kasi kung paano ko siya pakikibagayan dahil lumaki ako ng walang kinagisnan na lola o lolo. Maaga kasing namatay ang grandparents ko on the both side. Pero no'ng tumagal din ay nasasakyan ko na ang mga trip ng lola ni Zairus. Nakakatuwa at

