Briana Kapwa kami walang imikan ni Manuel nang inihatid niya ako sa bahay. Hindi pa ako gaanong nakaka-recover mula sa pagtatapat niya sa akin kanina. Hindi ko rin maiwasan na mag-isip kung okay lang ba ang inasal ko sa kanya pagkatapos niyang magtapat sa akin. Hindi na kasi ako nakapagsalita pa ng kahit na ano. Nakaramdam din ako bigla ng pagkailang sa kanya. Hindi naman dahil sa ayaw ko, syempre nakakakilig malaman na gusto niya rin pala talaga ako. Kaya lang, pakiramdam ko ay may mali. Lalo pa nang malaman ko na hindi siya dumating sa kasal nila ni Lory dahil sa akin. Hindi ko alam na tama lahat ang sinabi sa akin ni Zairus noon, na malaki ang chance na hindi sumipot sa kasal si Manuel ng dahil sa akin. "T-Thank you. Ingat ka," sambit ko nang tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng bah

