Ep.9

2212 Words
"This can't be happening! Oh my God, Serena. What have you done!" gilalas na wika ni Elizabeth ng maramdaman ang biglaang panghihina ng katawan niya. Sigurado siyang may nangyayari kay Serena. Mula sa kanyang kwarto ay nagpasya siyang lumabas upang magtungo sa silid ng dalaga. Malayo pa lang siya ay tanaw na niya ang dalawang bantay ng dalaga. "Nasaan si Serena?" malakas ang tinig niyang tanong sa dalawa. "Nasa loob, bakit?" "Papasukin ninyo ako!" utos niya. Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng mga ito dahil kusa na niyang binuksan ang pintuan ng dalaga. Dire-diretso siya sa pinaglagyan niya ng botelya ngunit napakuyom na lang siya ng kamao ng makitang wala na ito roon. "Damn it!" gigil niyang sabi. Mabilis niyang nilingon ang dalagang nasa malalim na pagtulog. Kailangan niyang magising ito sa lalong madaling panahon bago mahuli ang lahat. "Serena, wake up!" pasigaw niyang tawag. "Serena! Gumising ka!" sambit niya habang marahas itong niyuyugyog sa balikat. Dahil sa ginawa niya ay naalimpungatan naman ang dalaga. "Huh? Elizabeth? Ano ang ginagawa mo rito?" takang tanong ng dalaga. "Ako ang dapat magtanong sa'yo Serena. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" mariin niyang sagot. "Ano bang ibig mong sabihin?" nagugulumihang tanong muli ng dalaga. "Hindi mo alam kung ano ang sinasabi ko? Sabihin mo sa akin, ano ang ginawa mo!" halos pasigaw na tanong niya. "Wala! Ano naman ang gagaw-" sagot nito sabay natigilan. "Panaginip lang pala 'yong nangyari?" takang bulong niya sa sarili. Akala niya ay totoong nagtatalik sila ng binata. Ngunit isa lamang pala itong panaginip. "No, Serena. Lahat ng ginawa ninyo ay totoo." Sagot niya sabay hablot ng kumot na nakatabing sa katawan ng dalaga. "Hindi ka na birhen, nagawa na nila ang kanilang balak. Hindi ko na ito napigilan pa, kaya pala bigla akong nakaramdam ng panghihina," nanlulumong wika ni Elizabeth. Nanlaki pa ang mga mata ni Serena nang makitang hubad na siya. "E-elizabeth!" nanlalaki ang mga matang bigkas ni Serena sa pangalan ng kasama ng makita ang sariwang dugo sa pagitan ng kanyang mga hita. "P-paanong nangyari 'to?" "Damn it!" galit na galit niyang sabi. Nilapitan niya ang bulaklak ng orkidyas na kanina ay dala ng dalaga. Lanta na ang mga ito, tanda na nawala na ang nakapaloob na mahika rito para matanggalan ng kakayahan ang dalaga na makaramdam ng panganib. Bigla siyang napatingin sa labas ng bintana ng dalaga at nakita niya pa ang binatang si Iniego na nakatayo sa labas at nakatitig sa kwarto ng dalaga. Kahit malayo ito sa kanya ay aninag niya pa rin ang pagguhit ng mahiwagang ngiti sa labi nito. "Walanghiya ka!" gigil niyang sigaw. Sa isang iglap ay nasa labas na siya at hawak na ang leeg ng binata. "Sino ka!" tanong niya. Sa halip na sumagot ang binata ay tinitigan lang siya nito na waring nang-uuyam. "Sino ka sabi! Sumagot ka!" marahas niyang sabi. Sa sobrang lakas ng pagkakasakal niya ay napadpad sila sa malaking puno ng mangga at doon napasandal ang binata. "Hahaha! Huli na, Elizabeth!" sagot ng binata gamit ang kakaibang boses---malayo sa tunay na boses ng binata. "Papatayin kita!" sigaw niya. Lumabas ang matatalim niyang mga pangil at humaba ng napakatulis ang kanyang mga kuko. Dadakutin na lang niya ang puso ng binata ngunit biglang dumating si Serena at pinigilan siya. "Huwag!" "Isa siyang kalaban!" "Hindi siya. Kundi siya!" sagot ng dalaga kasabay ng pag akyat nito sa puno ng mangga upang puntahan ang isang pigura na nagtatago sa dilim. Ngunit bago pa man nakalapit ang dalaga ay bigla na itong nawala. "Magpakita ka, huwag mo kaming takasan, isa kang duwag!" sigaw niya. Kita niya ang pagkuyom ng mga kamao ng dalaga. Si Iniego naman ay bigla na lang nawalan ng malay-tao, tanda na nilisan na ang katawan nito ng sinuman gumamit rito. "Ahhh!!!" malakas na hiyaw ng dalaga sa tuktok ng puno. Hindi niya lubos maisip na naisahan siya ng mga kalaban. Sa kapangyarihan niyang taglay ay nagawa siyang linlangin ng mga ito, at talagang ginamit pa ang binata laban sa kanya. --- "Anong gagawin natin," humihikbing tanong niya kay Elizabeth. Ilang oras na rin ang nakakaraan ng maganap ang engkwentro at nagkulong na silang muli sa kwarto ng dalaga. Hindi niya lubos maisip ang sinapit niya. "Sana ay dumating na si Memphis, at sana ay dala niya ang mahiwagang gamot." "Gamot, para sa akin?" mahina niyang tanong. "Oo, makakatulong 'yon sayo." "Paano nila nagawang gawin iyon sa pamamagitan ng panaginip? Bakit hindi ko nalaman?" "Ginamitan ka nila ng mahika. Hindi basta-basta ang kalaban mo, Serena. Alam niya ang kahinaan mo at alam niya kung paano ka niya papaikutin." "Mahika? May ganoong kakayahan ang mga bampira?" takang tanong niya. "Oo, ngunit lubha itong delikadong gawin. Kadalasan ay mga bihasa lamang ang gumagawa nito. Dahil oras na nagkamali ka ay makukulong ka na habang buhay sa sarili mong panaginip at hindi ka na makakalabas." "At habang nananaginip ako kanina ay may nangyayari rin sa katawan ko?" "Marahil ay nakapasok siya rito. Ang tanong ay paano? May mga bantay na nakatalaga sa labas." "Higit pa riyan ang problema ko. Paano kung..." may agam-agam na sabi niya habang hinahaplos ang tiyan. "Siyangapala, anong gagawin natin kay Iniego?" biglaang tanong ng kausap. "Hindi ko rin alam, isa rin siya sa nagamit at batid nating wala siyang kinalaman sa nangyari." "Iyan nga din ang iniisip ko, pero huwag kang mag-alala, pagbalik ni Memphis ay tutulungan niya tayo. May dala rin siyang makakatulong sa'yong lunas para hindi ka tuluyang manghina. Let's just hope na wala na tayong ibang problemang kakaharapin." "Kilala mo na ba kung sino ang traydor? Ngayon mismo ay ako ang papatay sa kanya!" galit niyang tanong. "May hinala kami ngunit hindi kami sigurado ni Memphis." "Sino!" "S-si..." nauutal pang wika ni Elizabeth. Biglang naumid ang dila nito ng marinig ang pamilyar na yabag ni Dalton. "Serena! Nasa kwarto ako kanina, huli na ng mabalitaan ko ang nangyaring kaguluhan kanina dahil sa malalim mung pagtulog. Ayos ka lang ba?" alalang tanong ni Dalton. Humahangos pa ito at nakasuot lang ng roba. "Usapang babae lang ang ginagawa namin, ayos lang kami at wala kang dapat ipag-alala" Sagot niya. Hindi niya magawang aminin kay Dalton ang tunay na nangyari sa kanya. Isa iyong kahihiyan na ayaw niyang malaman ng iba. Kay Elizabeth pa nga lang ay halos hindi na siya makatingin. "Sigurado ka ba?" "Oo. Maaari mo na kaming iwanan, bukas na lamang tayo mag-usap." "Kailangan ko pa bang magtalaga nang mas marami pang bantay sa'yo?" "Hindi na." "Ikaw ang masusunod. Pero kung magbago ang isip mo ay narito lamang ako, kami ni Elizabeth ay palaging aalalay sa'yo." Nakangiting alok nito. "Hindi ba tama ako, Elizabeth?" "Maraming salamat sa inyo," aniya. Nakakapagtaka ang pagiging tahimik ni Elizabeth. Nakatungo lang ito ngunit naglilikot ang mga mata. "Sige, maiwanan ko muna kayo. Babalik na rin ako sa pagtulog," nakangiting paalam ni Dalton. Sa pagtataka niya ay kaagad ding sumunod si Elizabeth kay Dalton palabas. Nagtataka man ay hindi na niya tinangka pang habulin ang dalawa. Labis pa siyang nanghihina sa sunod-sunod na problemang kinakaharap niya. "Ah!" wika niya ng maramdaman ang pananakit ng tiyan at kalamnan. Muli siyang napatingin sa labas ng kanyang bintana. Hindi na niya natanaw pa si Iniego, marahil ay malalim na nag tulog nito. Hindi pa rin niya lubos maisip kung bakit hinayaan niyang mangyari ang bagay na iyon. Hindi ba't siya ang tagapagmana ng kanilang pamilya. Bakit ngayon ay tila hindi niya na nagagampanan ng maayos ang tungkulin niya. --- "Dalton!" tawag ni Elizabeth sa lalaki habang hinahabol ito sa hallway. "Bakit?" "May nakita ka bang maliit na botelya sa kwarto ni Serena?" "Wala, hindi naman ako bastang pumapasok sa kwarto niya. Bakit para saan sana iyon?" Bigla siyang natigilan sa paraan ng pagtatanong nito. "Alam mong nawawala ito??" "Hindi ba't hinahanap mo sa akin?" "Oo, nawawala at hindi ko na makita." "Baka na-misplace mo lang." "Imposible!" "Hindi imposible iyon dahil nawala kamo hindi ba." giit nito. "Ipahanap mo na lang bukas. Malalim na ang gabi. Matutulog na ako sapagkat okay naman na si Serena, ikaw din. Matulog ka na at magpahinga. Tumatanda ka na at nagiging makakalimutin, hahaha!" biro pa ni Dalton sa kanya. "Wala ka man lang bang naramdamang kakaiba kanina?" taning niyang muli. "Kakaiba? Wala naman, napakahimbing ng tulog ko. At napakaganda ng panaginip ko, kaya ikaw matulog ka na rin ng maranasan mo ring managinip kagaya ko, hahaha!" Imbes na matawa ay tiningnan lang niya ito. Pilit niyang inaarok at pinagtatagni-tagni ang mga pangyayari. Naaawa siya kay Serena at kailangan nito ng tulong lalo na ngayon. "Sana ay malampasan mo ang pagsubok na ito, Serena..." bulong niya ng marinig ang mahinang hikbi nito. - Lumipas ang ilang linggo ngunit hindi pa rin nakakabalik si Memphis. Nagkulong naman siya sa kwarto at bihira na siyang lumabas. Sa hindi malamang dahilan ay lalo siyang nanghina. Nawala na rin ang ilan sa mga abilidad niya mula sa pagiging bampira. Ayaw niya itong malaman ng mga kalahi kaya hindi na siya halos magpakita sa mga ito. Kailangang maniwala ng mga ito na malakas pa rin siya at taglay niya pa rin ang kapangyarihan upang mamuno. Ngunit lahat ng nangyayari sa kanya ay hindi niya inilingid kay Elizabeth. "Nawawala na ang kakayahan kong manghipnotismo. Hindi lang 'yan, nanghihina rin ang pisikal kong pangangatawan." Pabulong na sabi niya sa kausap. "Hindi 'yan maaari, paano kapag nalaman ng mga kasama natin ang kalagayan mo? Itatakwil ka nila Serena!" "Pero 'yon ang nangyayari sa'kin ngayon." Giit niya. Bahagyang nanahimik si Elizabeth at tinitigan siya ng matiim. Maya-maya pa ay bigla itong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang tiyan. Napapikit ito ng mariin at mabilis na inilayo ang sarili sa kanya. "Why?" takang tanong niya. "You are carrying a child, a child who has a mortal blood. That's the reason why you are being weak." Nanlalaki ang mga matang sagot nito. "W-what did you nust say?! I have conceived this child when we-?" namimilog ang mga matang sabi niya. "Tell me, Serena. How much can you give for us?" seryosong wika ni Elizabeth. "What do you mean?" "That baby can do nothing good for you. It can kill you, Serena. She is consuming most of your power and energy. Kaya ka nanghihina, at kung hahayaan mo 'yan sa katawan mo, ikaw ang mauubos." saad nito. "Alalahanin mo, ikaw ang pinuno ng ating lahi. Now I'm asking you one more time, how much can you give--- for us?" "Are you trying to tell me, to kill my own child!" hindik niyang sagot. "You have to get rid of it, before it's too late!" giit nito. "No!" Mabilis ang ginawang pagkilos ni Elizabeth at mabilis siya nalapitan. Muli nitong hinawakan ang tiyan niya ngunit sa pagkakataong iyon ay bigla itong natigilan. "Elizabeth? What's going on?" takang tanong niya. "Huh?" tila napapasong bitaw ni Elizabeth sa pagkakahawak sa kanya. Maang itong napatitig sa kawalan at muli siyang sinulyapan. "Anong nakita mo?" Sa halip na sagutin siya ay bigla itong umalis ng walang paalam. Naiwan siyang nagtataka habang hawak ang pipis pang tiyan. --- "I'm back, where is Serena? I've got the medicine that you are looking for." bulaga ni Memphis kay Elizabeth. Nagkasalubong sila sa patio at halos kita pa ang pagka-pagal sa mukha nito. "We need to  talk," sabi niya sabay senyas sa binata. Tahimik naman itong sumunod sa kanya. Pumasok sila sa isang kwarto at sa isang kunpas ng kamay ng ginang ay nagsara lahat ng pinto at bintana. Siniguro muna niya na walang ibang makakarinig sa kanila bago siya muling nagsalita. "Anong problema?" tanong ng binata. "Meron at malaki. She's pregnant." dire-diretsong sabi niya. "W-what!" "Marahil ay nakatunog siya sa mga plano natin, inunahan na niya tayo. At wala akong nagawa dahil sa kapabayaan ko. Naglagay ako ng gamot sa kwarto ni Serena, ngunit kinuha ito ng salarin upang hindi ko siya mapigilan" Wika niya. "At ngayon ay kailangan nating mapatay ang bata sa sinapupunan niya bago mahuli ang lahat." "Alam na ba ito ni Serena?" "Alam niya at ayaw niyang tanggalin ang bata. Ngunit hindi pwedeng mabuhay ang sanggol. Ito ang maglalagay sa atin sa kapahamakan at kapag hindi ito naagapan, ang sanggol na iyon ang lilipol sa ating lahat." "Paano mong nasabi? Ano ang kakayahan ng sanggol na iyon?" "Anak siya ni Serena sa isang mortal. Ang sanggol na iyon ay may dugong mortal, ngunit dahil anak ito ni Serena. Nagtataglay din siya ng kapangyarihan na di hamak na mas malakas sa kanyang ina. Nakita ko sa aking pangitain na gagamitin ng mga kalaban ang batang iyon laban sa atin." saad niya. "Plinano nila lahat, at nagtagumpay nga sila ng hindi natin namamalayan. Sa ngayon ay pinapahina ng sanggol ang kanyang ina kapag nalaman ito ng ating mga kalahi, maaaring mawala kay Serena ang lahat." Naikuyumos ng binata ang palad sa kanyang mukha tanda ng matinding pagkabalisa. Nahuli na pala siya ng dating. Hindi na niya naprotektahan ang dalaga. Tanda niya pa ang araw na kausapin siya ni Elizabeth tungkol sa mga nangyayari sa paligid. Kagaya niya ay nagmamatyag rin pala ito. At parehas sila ng hinala. "Ano ang kailangan kong gawin?" tanong nito. Tinitigan niya ang binata. Mata sa mata. Kapagkakuwa'y itinanong niya rito ang mga katagang binigkas niya kay Serena. "How much can you give?" seryoso niyang sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD