"Ang ganda talaga ng mga bulaklak! Hindi ako magtataka kung bakit paborito ito ng mama." Nakangiti niyang bulong habang naglalakad pabalik sa kanyang kwarto. Nakasalubong pa niya si Dalton na ngiting-ngiti nang makita siyang may hawak na bulaklak.
"Hindi ba't iyan ang paboritong orkidyas ni Ondreea?"
"Yes, Dalton!"
"Where did you get that? Bihira ang makakuha ng ganyang bulaklak dahil sa matataas na puno iyan kadalasang kumakapit."
"Kay Iniego."
"Iniego? The boy next door?" tila gulat na tanong nito.
"Yeah." Sagot niyang muli. "Pasok na ako sa kwarto ko, ilalagay ko ito doon para lagi kong makita. Baka mapanaginipan ko ulit ang Mama kapag malapit sa akin ang bulaklak na paborito niya." Masigla niyang paalam.
Wala na rin nagawa si Dalton kung hindi panoorin siyang naglalakad pabalik sa kanyang kwarto.
"Ano ang nangyari sa batang 'yan..." wika ni Elizabeth na kanina pa pala sila pinapanood.
"Well, wala naman akong nakikitang masama sa pagtanggap niya ng bulaklak. Mahalaga sa kanya ang orkidyas na 'yon dahil isa iyon sa alaala sa kanya ng yumao niyang ina, kaya hindi ko na rin siya pinigilan."
"Iba ang pakiramdam ko sa binatang kapitbahay natin. May kakaiba sa kanya."
"Ano ka ba naman Elizabeth, bibigyan mo pa ba 'yan ng masamang kahulugan? Hindi ba dapat maging masaya na lang din tayo na may nakapagpangiti sa alaga natin?" pailing-iling na sagot nito.
"Okay, sabi mo eh! Pero ipapaalala ko lang sa'yo na ikaw ang in-charge sa kaligtasan ni Serena. "Kapag siya namatay, pati tayo mamatay rin. Kaya siguraduhin mong walang mangyayari sa kanya. We can't survive without her."
"I know."
"Mabuti kung gano'n. Please do something about that guy out there." Wika niya sabay tingin sa labas. Pahiwatig na si Iniego ang tinutukoy niya.
"He's harmless. Marami pa akong dapat gawin. Ipagpapaliban ko muna ang tungkol diyan."
"By the way, nahanap mo na ba ang pinapahanap sayo ni Serena?"
"Ang alin?"
"About sa umatake sa atin. Sa babaeng may tattoo?" Usisa niya.
Biglang natigilan si Dalton at napatitig sa kanya. "Bakit parang bigla kang naging interesado?"
"Masama bang makibalita sa mga nangyayari o sa improvement ng imbestigasyon mo?"
"Hindi naman, nakakapagtaka lang na bigla kang naging mausisa ngayon."
"Sa mga nangyayari sa paligid dapat lang talaga na maging mapanuri tayo, hindi ba, Dalton?"
"Of course!" sagot nito. "Sa ngayon ay wala pa akong mahanap na kahit na anong impormasyon sa kanila. Mukhang malinis ang pagkakatrabaho nila. Ni hindi sila nag iwan ng bakas na maaari nating sundan."
"Siya-nga?"
"Yes!"
"Kung ganon ay aantayin ko na lang na makakalap ka ng dagdag na impormasyon tungkol sa kanila. Please let me know if you find some, okay?"
"As you wish."
"Mawawala pala ng ilang araw si Memphis. May ipinag-utos ako sa kanya." Bigla niyang saad ng maalala si Memphis. "Baka hanapin mo siya o ni Serena."
"Inutos? Ano naman 'yon?" usisa nito.
"May pinapahanap lang akong gamot para kay Serena, baka makatulong sa kanya."
"Okay, sasabihin ko na lang kay Serena."
"Or better yet, ako na lang. Pupuntahan ko na lang siya sa kwarto niya." Sagot niya. Iniwanan niya na si Dalton para hindi na ito mag-usisa pa sa kanya. Baka pilitin pa siya nitong aminin kung saan si Memphis at ano talaga ang dahilan ng pagkawala nito. Baka masira pa ang plano niya kapag nangialam ito.
-
"Serena..." Tawag niya sa dalaga pagkapasok niya ng kwarto.
"May kailangan ka ba?" Nakangiting baling ng dalaga.
"Nakita kasi kitang namitas ng orkidyas ng kapitbahay. Pwede ko bang maamoy?" nakangiti niyang tanong.
"Oo naman." Sagot ng dalaga sabay abot sa kanya ng flower vase. Kaagad niyang nilanghap ang halimuyak nito at kagya't na napapikit. Pilit niyang kinikilala ang amoy ng orkidyas na iyon.
"Kayganda at kaybango nga." Sambit niya. Nang malingat ang dalaga ay agad niyang inilabas ang maliit na botelya na may lamang berdeng likido. Maingat niyang pinatakan ng katas ang tubig ng flower vase at pasimple itong hinalo.
"Akin na, ilalagay ko siya sa tabi ng kama ko."
"Heto na,"
Sa muling pagtalikod ng dalaga ay maingat niyang inilagay ang isa pang botelya sa tagong sulok ng kwarto ng dalaga. Naglalaman iyon ng mahiwagang langis na may halong espesyal na gamot.
"Elizabeth, gusto ko sanang matulog ulit. Pwede mo ba akong iwanan muna?"
"Tama 'yang ginagawa mo. Magpahinga ka. Mag-ipon ka ng lakas at kapangyarihan. Huwag kang mag-alala. Magtatalaga ako ng bantay mo para hindi na maulit ang nangyari sa'yo ang mga bagay na hindi dapat mangyari."
"Bakit nasaan si Memphis, hindi ba't siya ang bantay ko?"
"May iniutos lamang ako, baka mawala siya ng ilang linggo o buwan. Kaya pansamantala, iba muna ang magbabantay sa labas."
"Ang tagal naman! Ano bang ini-utos mo sa kanya at biglaan yata." Takang tanong ng dalaga.
"Isang napakaimportanteng bagay na hindi maaaring ipagliban." Sagot niya. "Maiwan na kita, magpahinga ka na."
"May tiwala naman ako sa'yo kaya sige, hindi na ako mag-uusisa pa"
"Alam ko, at may tiwala rin ako sa'yo Serena. Ang lahat ng tao natin ay malaki ang tiwala sa'yo. Kaya sana, huwag kang magpapagapi sa mga taong nais na matalo ka."
Isang buntong-hininga lang ang isinagot sa kanya ng dalaga, kaya hindi na rin siya nagpumilit pa.. Umalis na rin siya kaagad ng masiguro na nasa ayos na ang lahat.
---
Bahagya pa siyang nagulat ng maabutan si Dalton sa labas ng pinto. Nanunuri ang mga tingin at waring binabasa ang bawat galaw niya. Sa mga titig nito ay may halong pagtatanong at pagtataka.
"Matutulog na si Serena, magtalaga ka na ng magbabantay sa kanya." Simpleng wika niya bago naglakad papalayo. Naiwan si Dalton na nakakuyom ang mga kamao at nagtatagis ang mga bagang.
Pagkaalis ni Elizabeth ay tuluyan na siyang nahiga. Naglalaro sa imahinasyon niya ang gwapong mukha ng binata habang nakangiti sa kanya. Ang nararamdaman niyang iyon ay banyaga para sa kanya. Sa tagal niyang nabubuhay sa mundong ibabaw, tanging si Iniego lamang ang nakapukaw niyon.
"Chiar te plac(I really like you)" bulong niya sabay ngiti. Sinariwa niya ang unang pagkikita nila ng binata. Mula sa pagtataray niya rito at panunuyo ng huli. Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya nagka-interes sa isang lalaki at sa gwapo niya pang kapitbahay na isang mortal.
Muli niyang ipinikit ang mga mata para tuluyang igupo ng antok.
---
11:00pm
Biglaang nag-organisa ng maliit na piging si Dalton para sa muling matiwasay at tahimik nilang pamumuhay. Lahat ay nagsidalo at nakisaya. Maging si Iniego ay nagpunta at bukas palad itong inistima ni Dalton. Sila ni Elizabeth ay nagkasya na lang sa pagmamasid sa mga ito. Nagawa rin niyang uminom ng alak dahil na rin sa udyok ng binata.
Halos lahat ay nagkakasiyahan at nagkakantahan nang magpasya siyang lumayo sa karamihan. Pakiramdam kasi niya ay kailangan niyang maglunoy sa batis na malapit lang sa kanilang tirahan. Ang batis na iyon ay ang lihim niyang takbuhan kapag gusto niyang mag relax. Siya lamang ang nakakapasok roon dahil mahigpit niyang ipinagbabawal ang pagpasok ng ibang tao.
Mabilis niyang hinubad ang suot niyang saplot at wala siyang itinira na kahit na isa saka lumublob sa malamig at malinaw na tubig. Tanging ilaw lamang ng buwan ang tanglaw sa kanya. Sa ilalim ng mga nagkikislapang bituin ay naglunoy siya sa kanyang munting batis. Ilang minuto na siyang nagpapabalik-balik sa paglangoy ng bigla siyang matigilan.
"I guess, it's more awesome when you share it with someone special." Anang baritonong tinig mula sa likod ng malaking puno.
"H-huh?!" gulantang niyang sabi sabay takip sa kaniyang kahubdan. "S-sino ka! Hindi mo ba alam na bawal pumasok rito ang sinuman ng walang pahintulot!" matigas niyang sabi.
"Nakita kasi kitang umalis sa umpukan kanina, nag-alala ako sa'yo kaya sinundan kita." Sagot ng lalaki. Lumabas ito sa pagkakakubli kaya ng matamaan ng liwanag ng buwan ay nakilala niya ang binata.
"I-Inie-go?!" gulat niyang sabi. Para siyang nanigas sa kinatatayuan ng makita ang nakaka-akit na ngiti ng binata.
"Yes. It's me... Why? Are you expecting someone other than me?" tudyo nito.
"N-no! Please leave. I want to be alone," pakiusap niya. Nagtungo siya sa pinakamadilim na parte ng batis para hindi nito makita ang kabuuan niya.
"Gusto kita..." malambing na sambit ng binata.
"H-hindi kita gusto, kaya umalis ka na rito. Kung hindi ay ipapadampot kita sa mga tauhan k-"
Napatigil siya sa pagsasalita ng biglang tumalon ang binata sabay langoy papalapit sa kanya. Napasinghap pa siya ng tumigil ito sa mismong harapan niya. Ilang dangkal na lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya at amoy niya ang mabangong hininga ng binata.
"Gusto kita, Serena..." muling anas ng binata, kasabay ng pagkabig nito sa balingkinitan niyang baywang.
"Inieg-" anas niya. Ngunit muli siyang pinatahimik ng binata sa pamamagitan ng pag angkin nito sa mga labi niya. Humigpit ang pagkakayapos nito sa kanya at halos hindi na siya makahinga sa pagkakayakap nito.
"Now tell me, Serena. Hindi mo nga ba ako gusto?" mapang-akit na anas ng binata ng pakawalan nito ang labi niya. Tinutudyo-tudyo pa siya ng binata at hindi niya alam kung bakit sa bawat paglayo ng labi nito ay para siyang sabik na sabik na habulin iyon at muling angkinin.
"I- i - i really l-like you too..." pabulong niyang sagot.
Tila iyon lamang ang hinihintay ng binata at muli siya nitong hinalikan. Mas mapang-angkin. Mas maalab. Mas mapusok. At nakakapagtatakang hinayaan lamang niya ang binata. Mistula siyang alipin na sumusunod sa bawat gawin nito sa kanyang katawan.
Naramdaman na lamang niya na tuluyan na siyang nagpaubaya sa binata ng gabing iyon. Sa muling pagtago ng buwan sa makapal na ulap ay tuluyan silang napag-isa ng binata. Sa unang pagkakataon ay hinayaan niyang angkinin siya ng isang lalaki. Nang isang mortal. Bagay na mahigpit na ipinagbabawal ng kanilang lahi.