Tahimik siyang nagpapahangin sa ilalim ng puno ng mangga ng bigla siyang lapitan ng binata. Napaikot na lang ang mga mata niya ng makita ito na nasa harapan na niya, ang balak pa naman sana niya ay magpahinga ng maayos para maibalik niya ng isang daang porsiyento ang lakas niya. Ngunit heto na naman ang kapitbahay niyang pinaglihi ata sa pusang hindi maihi. Dahil hindi makumpleto ang araw nito na hindi siya binubulabog.
"Ikaw na naman!" asar niyang sabi.
"Yes, ako na naman, Miss Sungit. Your friendly, handsome and makulit na kapitbahay."
"Get out. I don't need companion."
"Ouch! Ang sakit naman, ganyan ba taalaga kayong mayayaman?"
"Look, I'm aware na magkapitbahay na tayo. And to think na may boarders ang lupa nating dalawa, you should know kung saan ka lang dapat tumapak at kung hanggang saan ka lang dapat mangialam. Can't you see na nagpapahinga ako? Then, there you are nambubulabog out of nowhere. Don't you know what privacy is?" iritable niyang sagot.
Nakailang kurap pa ang binata bago ito sunod-sunod na napalunok at kapagkakuwa'y napayuko. "Pasensiya ka na Miss, I just wanted to make friends sana para hindi tayo ganito pag nagkakaharap. I'm sorry sa pagiging pakialamero at feeling close. Hayaan mo from now on, hindi na kita bubulabugin. I am sorry." Wika ng binata bago ito naglakad papalayo.
Sinundan na lang niya ng tingin ang binata at hinayaan itong umalis. Ang totoo ay ayaw niya talagang napapalapit dito. Tama si Elizabeth sa sinabi nito noon sa kanya. Kaya dapat niya itong iwasan para hindi na ito madamay sa kung anumang pwedeng mangyari sa kanila.
Samantala sa hindi kalayuan ay may lihim ding nagmamatyag sa dalaga. Tila inaalam nito ang bawat kilos ni Serena maging ang mga nakakasalamuha nito. Waring pinag-aaralan ang bawat galaw nito parang binabasa maging ang nilalaman ng isip at puso ng dalaga.
-
"What are you doing here, Memphis?" seryosong sita ni Dalton ng makita ang binata na nakatitig kay Serena.
"H-Ha? Wala naman, binabantayan ko lang si S-serena." Kandautal na sagot nito.
"She doesn't need you and that's for sure, why do I have this feeling na pinag-aaralan mo ang alaga ko. Tell me Memphis, by any chance-"
"If you're thinking na ako ang traydor ay nagkakamali ka, wala akong ibang hinangad kundi ang kaligtasan ng ating mga kalahi lalong lalo na ni Serena!" matigas na sabi nito.
"If that's your concern, you shouldn't be here. Doon ka dapat sa mga kasamahan mo at magplano kayo kung papaanong mapapangalagan ang mga kalahi natin laban sa mga magtatangkang gumawa sa atin ng masama. Pulungin mo sila at mag-usap kayo ng alternatibong paraan kung papanong maiiwasan na malagasan pa tayo sa tuwing may lulusob sa atin."
"That's what I'm thinking, thank you for reminding me, Dalton." Sagot ng binata sa kanya. Sumulyap pa itong muli sa dalaga bago tuluyang umalis. Naiwan naman si Dalton na napapailing na lang. Sa tingin niya ay may lihim na motibo ang binata sa ginagawa nito. At kung anuman iyon ay dapat niyang malaman sa lalong madaling panahon.
"You are too precious, my lady... Don't worry, babantayan kita ng maigi," bulong ni Dalton sa sarili.
-
Ilang araw ang matuling lumipas at tanging si Iniego lang ang nakikita niya sa kanyang paligid. Bagamat hindi na ito lumalapit sa kanya hindi gaya ng nakagawian ay masama na rin siyang makita ito mula sa malayo. Ewan niya ba ngunit sa tanda niyang iyon ay ngayon lang niya naramdaman ang bagay na iyon. Bahagya pa siyang napangiti ng maalala ang una nilang pagkikita. Hindi niya sukat akalain na ang isang lalaking mortal na gaya ng binata ay makakayang makipagsabayan sa kanyang katarayan.
"Look at you, Serena... Tell me what's going on? Are you inlove?" usisa ni Elizabeth ng maabutan siya nito sa bintana na nakadungaw sa binata.
"Inlove? Of course not!" mariin niyang sagot.
"Then why are you acting like a fool habang nakatingin sa kanya?"
"I'm not."
"Serena.."
"Hmmm?"
"Falling inlove is easy to mortals, it is their way of saying they need someone to be with---trough thick and thin. Someone who will love them unconditionally. But sometimes, even human has the ability to destroy one's heart."
"What are you trying to say?"
"Love is made only for human, Serena. You are not human. You are not an ordinary vampire. You should know your limits. Do you think he's going to love you even more once he found out who really you are? You're the successor, our life lies within your hand. Don't let mortals ruin you, my lady. Love---will only make you weak." Seryosong pahayag ni Elizabeth.
"I'm not inlove, you don't have to be scared."
"You are not. But, you're on your way to fall inlove with human. Let me remind you again, You don't have to be inlove...You don't need to be loved by mortals. You belong to no one."
"Ano po ba ang nangyayari kay Serena, may alam ba kayong dahilan kung bakit siya nagkakaganyan?" tanong ng isa nilang kasamahan.
"Huwag ninyong sabihin na nag-iisip kayo ng hindi maganda sa kanya? Kung anuman ang nangyayari kay Serena ngayon ay maliit lamang na bagay at hindi kailangang ipangamba. Kalimutan na kung anuman ang agam-agam na nariyan sa dibdib ninyo. Kagaya natin ay may pamilya rin siyang minamahal at hindi lingid sainyo kung gaano siya nangungulila sa kanyang mga magulang at kapatid." Sagot ni Elizabeth.
"Alam namin iyon, ngunit sana'y hindi ito makaapekto sa kanya lalo pa at may mga kalaban na nagtatangkang pumasok sa atin. Ngayon natin siya kailangan, higit kailanman."
"Naiintindihan ko kayo, at makakaasa kayo na hindi tayo pababayaan ni Serena. Kaya ang mabuti pa ay magsibalik na kayo sainyong mga nakaatang na tungkulin." Sabad ni Dalton. Papalabas na ito sa kwarto ng dalaga bitbit ang bimpo na nakababad sa maliit na planggana.
"Nakatulog na ba siyang muli?" usisa ni Elizabeth.
"Oo. At kung maaari ay atasan mo si Memphis na magbantay muna rito. Nangangamba ako na baka maulit ito at wala ng makapansin pa sa kanya." Sagot ni Dalton. "At pagkatapos ay magpahinga ka na rin," pahabol nito.
Isang marahang tango lang ang isinagot ng ginang. Nang makaalis si Dalton ay pasimple siyang pumasok muli sa kwarto ng dalaga. Iginala niya ang kanyang paningin sa palibot ng kwarto. Mahimbing ng natutulog ang dalaga kaya naman alam niyang hindi na siya nito mapapansin. May hinahanap ang kanyang mga mata. At kung hindi siya nagkakamali ay nasa isang sulok lamang iyon. Hindi mapapansin kapag hindi ka naging mausisa o hindi sadyang hinanap.
"There you are!" mabilis niyang bigkas ng makita ang maliit na botelya. Sa loob niyon ay may kaunti pang langis na natitira. Bahagya niya itong inilapit sa ilong niya para amuyin ang aroma na nagmumula sa likido nito.
"I knew it!" gilalas niyang wika. Hindi nga siya nagkamali. Iyon ang hinahanap niya.
---
"Ano 'yan!" biglang wika ni Memphis mula sa kanyang likuran.
"Ha! Wala!" gulat niyang sagot. Mabilis niyang itinago ang botelya sa kanyang bulsa.
"Ano sabi 'yan!" usisa muli ng binata.
"Wala nga sabi, ginamit lang ito kanina at nakalimutan iligpit ni Dalton. Huwag ka ng mag-usisa pa." Paiwas niyang sagot. "Dito ka muna magbantay sa kanya dahil baka maulit na naman ang nangyari sa kanya." dagdag niya bago nagmamadaling lumabas ng kwarto. Naiwan si Memphis na nagtataka sa inasal ng huli.
Maingat na naglakad ang binata papalapit sa bintana ng dalaga. Ang layunin niya ay isara ang bintana nito. Ngunit nagulat siya ng makita ang binatang kapitbahay na nakatingin sa kwarto ng dalaga. Nagkasalubong pa sila ng titig nito at bahagya siyang napapitlag dahil sa nakita niya sa mga mata nito.
"Hmmm..." mahinang ungol ni Serena na nagpapitlag sa kanya. Nang muli niyang tingnan ang binata ngunit wala na ito sa dating kinatatayuan.
"Serena, are you alright?" alalang tanong niya.
"Apa, (water)"
"Okay..." sagot niya. Alisto niyang kinuha ang baso ng tubig sa gilid ng kama nito at iniabot sa dalaga.
Tila uhaw na uhaw si Serena dahil naubos nito ang isang basong tubig.
"Feelin' better?"
"Yeah, thanks Memphis. Magpahinga ka na rin. Don't worry, ayos na ako."
"Naka-duty ako ngayon para maalagaan ka. Kaya magpahinga ka na. Dito lang ako," may halong pag-aalalang wika ng binata. Maingat niyang kinumutan ang dalaga ng bumalik ito sa pagkakahiga. Pagkatapos ay umupa siya sa silyang nakapwesto sa gilid ng kama ng dalaga. Tahimik siyang nag iisip sa mga nangyayari. Alam niyang may mali. Something is off--- with Elizabeth and Iniego. Hindi niya alam kung ano iyon pero desidido siyang alam. Hindi niya hahayaang may masamang mangyari kay Serena.
---
"You're starting to fall, Serena. The next thing you knew, you'll no longer his successor. I can finally have the thing that I've been longing for." makahulugang bulong ng isang boses sa karimlan ng gabi.
Maya-maya pa ay makikita na ang binatang si Iniego na abala sa pagtatanim ng mga halaman sa pagitan ng lupa nila ng dalaga. Isang halaman na tiyak niyang magugustuhan ni Serena. Nang matapos ang binata ay napangiti ito bigla. Ang kailangan na lang niya ay mamulaklak ang mga ito, at alam niyang mangyayari iyon sa tulong ng kanyang mahika.
Muli siyang napangiti ng maramdaman na hindi siya nag-iisa sa lugar na iyon. Paglingon niya ay nakita niya ang isang pigura na nakatago sa ilalim ng puno ng mangga. Pasimple niya itong nilapitan at nag-usisa.
"Ano ng nangyayari sa loob?"
"Kagaya ng inaasahan, bagamat hindi pa tuluyang tumatalikod ang mga kasamahan niya ay mararamdaman naman ang kanilang takot. Nagsisimula na silang mangamba sa kakayahan ni Serena upang sila ay oangalagaan at ipagtanggol."
"Magaling kung ganon. Kunti na lang at makakakilos na tayo ng maayos."
"Ganon na nga po!"
"Pero bago iyan, may kailangan ka munang trabahuin. Sa tingin ko ay isa siya sa magiging balakid sa ating landas."
"Huh? Sino?"
"Si Memphis, alisin mo siya sa tabi ni Serena. Alam kong may hinala na siya sa kung ano ang nangyayari kay Serena. Sa tagal nating nagtiyaga, hindi pwedeng mahahadlangan iyon ng isang hamak na kawal lamang."
"Masusunod."
"Sige na, makakabalik ka na sa kanila. Malapit na ring magbukang-liwayway." Utos niya rito na agad namang sinunod ng huli.
-
Kinaumagahan ay mabigat ang katawan na tumayo mula sa pagkakahiga ang dalaga. Dala pa rin niya sa dibdib ang bigat ng alaala ng yumaong ina. Hindi niya makalimutan ang muli nilang pagkikita kahit pa sabihing isa lamang iyong imahinasyon. Masaya siya at muli niyang nakita ang babaeng nagsilang sa kanya at sa kakambal.
"Serena, gising ka na pala..." nakangiting bungad ni Elizabeth.
"Oo. Balak ko sanang magpahangin sa labas habang nagsisimula pa lang ang pagsikat ng araw."
"Halika at magtsaa ka muna. Kailangan mo munang magpainit ng sikmura bago lumabas. Masyado pang mahamog sa labas kaya baka ginawin ka." nakangiting aya nito sa kanya sabay abot ng isang tasa ng tsaa.
"Maraming salamat, Elizabeth. Para na rin kitang ina, kaya labis ang pagpapasalamat ko sa iyo." Nakangiti niyang sambit habang sinisimsim ang tsaa na dala nito.
"Sino pa ba ang magtutulungan at mag-uunawaan kung hindi tayo lang din?"
"Kayo ni Dalton at Memphis ang tunay na nagpapatibay ng pundasyon natin. Kung wala kayo ay baka hindi rin ako tumagal."
"Serena, maraming mapagbalat-kayo sa paligid. Hindi mo pwedeng paniwalaan kung ano ang nakikita ng iyong mga mata. Malakas ka at alam kong makikita mo ang sinasabi ko kung magmamatyag ka lang." Makahulugan nitong sabi.
"Anong ibig mong sabihin?"
"H-ha?" tarantang sagot nito. "Nag-aalala lang ako sa ikinikilos mo nitong mga nagdaang araw. May kakaiba sa iyo at hindi iyon maganda sa imahe mo."
"May hindi ba ako nalalaman?"
"Serena, sa tingin mo gaano ka kalakas?"
"Anong ibig mong sabihin, bakit hindi mo na lang ako diretsahin?"
"Nag-aalala na ang mga tao sa ikinikilos mo. Pakiwari nila ay hindi mo na sila kayang ipagtanggol kapag nagkaroon na naman ng digmaan. Kung malakas ka at taglay mo nga ang kapangyarihan upang mapanatili ang ating kaligtasan, kailangan mong magpakatatag. Kailangan mong malaman kung sino ang anay na sumisira sa pundasyon na sinasabi mo at inaakalang matatag. Imulat mo ang mga mata mo, mayroon kang hindi nakikita. Makapangyatihan ka, gamitin mo. Ipinanganak ka para mamuno hindi para pamunuan o manipulahin ng iba, dahil labis kang mapagtiwala."
Bahagya siyang natahimik sa tinuran nito. Tama si Elizabeth, naging kampante siya ng sobra. Umasa sa kakayahan nila Dalton, para mapadali sa kanya ang mga bagay na dapat ay sineseryoso niya. Bagamat taglay niya ang lakas at kapangyarihan pero aaminin niyang humina nga siya sa ibang aspeto.
"Iwanan mo na lang ang tasa kapag tapos ka ng mag tsaa. Ako na ang bahalang magligpit. Pwede ka ng maglakad-lakad sa labas. Mag-iingat ka."
Isang marahang tango lang ang isinagot niya sa matanda bago ito umalis.
"Tama si Elizabeth... Mayroon ngang hindi tama sa mga nangyayari. At nakakahiya sa kagaya ko na napaglalaruan ako ng ganito." Bulong niya sa sarili kasabay ng muling paglagok ng huling patak ng tsaa. "Awww! Bakit bigla namang pumait 'to!" bulalas niya.
Samantala bahagya ng napangiti si Elizabeth ng marinig ang tinuran ng dalaga. Naubos na nito ang tsaa na tinimpla niya.
-
"Good morning, miss beautiful!" masiglang bati ni Iniego sa dalaga ng makita ito.
"Umalis ka sa harapan ko, nasisira araw ko sa pagmumukha mo. Gusto kong mapag-isa." Pagtataray niya rito.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, mataray ka pa din. Sayang at may inihanda pa naman sana ako para sa'yo."
"Wala akong pakialam."
"Ang ganda pa naman ng orkidyas na itinanim ko. Tingnan mo oh sumibol na ang mga bulaklak." Masiglang wika ng binata sabay turo ng mga orkidyas na nakahilera sa pagitan ng mga lupa nila.
"Itinanim mo ang lahat ng ito?" nanlalaki ang mga matang turan niya.
"Oo. Nagpunta kasi ako sa bukid noong isang araw, nakita ko iyan na nakangunyapit sa mga matataas na puno. Kaya kinuha ko at itinanim rito. Sana ay nagustuhan mo," simpleng sagot ng binata.
"Nagustuhan ko nga, paboritong orkidyas ito ng Mama. Tuwing tagsibol, nangangaso ang aking ama at nag-uuwi ng ganitong bulaklak para sa Mama."
"Mabuti naman at mayroon akong nagawang ikinasiya mo sa wakas. Kung gusto mo ay pwede mong pitasin ang mga bulaklak at ilagay mo sa'yong kwarto." Pag aalok ng binata.
"Talaga?" namimilog ang mga matang sabi niya.
"Oo naman, sandali at kukuha ako ng gunting para mapitas mo ang mga bulaklak." Nakangiting sagot nito. Nagmamadaling nagtungo ang binata sa bahay nito para kunin ang gunting.
Samantala, sa di kalayuan ay matamang nagmamasid si Memphis. Hindi niya gusto ang ikinikilos ng binata. Kailangan niyang mabalaan si Serena na huwag makipaglapit dito. Ihahakbang na sana niya ang mga paa para lapitan ang dalaga ngunit kaagad na may humawak sa kanyang balikat.
"Huwag kang makialam sa kanilang dalawa. Sa halip, pwede ba kitang makausap?" wika ng isang tinig.
Paglingon niya ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Elizabeth. Nakatitig sa kanya ng matiim at waring may nais iparating.