"What are you doing here?" malamig ang tinig na tanong niya kay Elizabeth. Nagpapahangin siya sa kanyang asotea ng bigla itong lumapit sa kanya. Katatapos lang niyang magbasa ng mga libro at makailang ulit na rin siyang nag-aral na tuklasin ang mga mahika na sa tingin niya ay kaya niya pa ring gawin.
"They've decided to replace you," walang gatol na sagot ng ginang.
"Tell me Elizabeth, sino ang ipinalit nila sa'kin?"
"Si Dalton, I hope you're aware how powerful he is right now. They believe na magagawa ni Dalton na proteksyonan ang ating lahi laban sa mga kaaway."
"You must be kidding, if I'm going to choose between you and him, I'd rather choose you." Seryosong sambit niya sabay sulyap dito. Gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksyon ni Elizabeth sa sinabi niya.
"It's an honor, my lady. But they have choosen Dalton over me. So, I guess... I'm not good enough, lalo na ngayong wala na si Memphis." Malungkot na wika ni Elizabeth. Mula sa sulok ng mga mata nito ay nabanaag nito ang papalapit na si Dalton.
"I was about to tell you what happened an hour ago. But I think, Elizabeth has already do the favor. I am sorry, Serena. I really am. But I had no choice, kinailangan kong tanggapin iyon kesa naman ibigay nila ito sa iba na hindi naman karapat-dapat. As long as I am the spearhead, I can do everything in your command. You're still the successor, Serena. Ikaw pa rin ang magiging pinuno sa katauhan ko. Susundin ko ang lahat na sasabihin at iuutos mo."
"No, binigyan ka nila ng karapatan. They believe in you, much better kung gagawin mo kung ano ang ineexpect nilang makuha mula sa'yo. Show them what you've got, Dalton. Isa pa, I'm getting weak as time goes by. I want to see you do your thing, para pag nawala ako... Hindi ako mag-aalala na wala akong maiiwanang mapagkakagtiwalaan dito."
"A-are you sure?" namimilog ang mga matang sagot ng lalaki. Parang hindi ito makapaniwala sa naging sagot niya. Marahil ay inaasahan nito na magagalit siya o hahadlang sa naging desisyon ng mga kasama.
"I am. Show me how you handle the stress Dalton, make me so damn proud of you." Muli niyang sabi sabay sulyap kay Elizabeth na nakatingin rin sa kanya. Hindi na nila kailangang magsalita pa dahil sa pamamagitan ng mga sulyap ay alam na nila kung ano ang nais iparating sa isa't-isa.
"Maraming salamat sa tiwala, hindi kita bibiguin. Pangako, ibibigay ko ang lahat para magampanan ang aking tungkulin."
"Thanks, sa ngayon gusto ko munang mapag-isa. Please leave..." pakiusap niya sa dalawa. Muli niyang tinanaw ang karimlan ng gabi.
"Masusunod." Magkapanabay na sagot ng dalawa bago lumisan.
Banaag niya ang saya sa mukha ni Dalton at ang pagkadismaya naman kay Elizabeth. Nakita niya kung ano ang epekto ng kaniyang nagawa. Kailangan niyang maging matalino upang mapangalagaan ang kanyang lahi at ang kanyang magiging anak.
"Huwag kang mag-alala aking anghel, sa oras ng iyong pagsilang ay magiging maayos na ang lahat. Ikaw, ako at ang iyong ama. Mamumuhay tayo ng tahimik at masaya. Hindi kita pababayaan at kahit mawalan ako ng kapangyarihan habang nasa sinapupunan kita, hindi ko pa rin iisipin na kitilin ang buhay na mayroon ka." Anas niya. Sa muling pagsulyap niya sa labas ay natanaw niya ang munting bahay ni Iniego. Bukas pa ang ilaw nito kaya tiyak niyang gising pa ang binata.
"Nais mo bang makilala ang iyong ama? Halika, dadalhin kita sa kanya." Nakangiti niyang sabi. Hahakbang na lang siya ng biglang may maalala.
Maingat niyang kinapa ang kanyang kwintas. Iyon ang pinakahinahabol ng kaniyang kalaban. At batid niyang hindi titigil ang mga ito hangga't hindi nakukuha sa kanya. Ngayon na wala na siyang sapat na kakayahan, batid niyang pipilitin siya ng mga kasama na ibigay ito sa iba na mas higit na malakas sa kanya. At iyon ang dapat niyang agapan. Siya lang ang nararapat na mangalaga sa kwintas niyang iyon. Hindi niya ito ipagkakatiwala kahit kay Dalton man o Elizabeth. Kailangan niyang pakaingatan ito upang hindi mapasakamay ng mga kalaban.
---
"Congratulations sa bago mong posisyon, Ginoong Dalton." Wika ni Elizabeth habang naglalakad sila.
"Masaya ka nga ba sa aking narating? O baka naman lihim mong iniisip na sana'y ikaw na lamang ang kanilang napili?" mapait na wika ng lalaki.
"Ang kapakanan ng ating lahi ang mahalaga sa akin higit kanino man. At kung sa tingin nila ay magagawa mo iyon ay sino ako para ito ay pigilan? Maging si Serena ay hiindi tumutol, hindi ba?"
"Mabuti naman kung ganoon. Hindi ko nais na pati ikaw ay maging isa sa aking kalaban. Wala na si Memphis, huwag sanang mangyari na pati ikaw ay mawala rin." Bulong ni Dalton na may halong pagbabanta.
"Huwag kang mag-alala, 'yan ang kailanman ay hindi mangyayari. Ang kapalaran ni Memphis ay hindi pareha-"
"Sana nga, hindi lingid sa ating lahat kung gaano ka tinitingala ni Memphis. Ayaw ko mang isipin ngunit may alalahanin sa isipan ko na baka kasapakat niya sa planong pagpaslang kay Serena at sa sanggol na nasa sinapupunan niya."
"A-alam m-mo?" gulat na sagot ni Elizabeth. Paanong nalaman ng lalaki ang totoong lagay ng dalaga?
"Tahimik lang ako pero hindi ako mangmang. Alam ko, ramdam ko at naaamoy ko. Noong pinatay niya si Memphis. Nakita ko ang punyal na sana ay gagamitin niya laban kay Serena. Alam ko kung para saan ang punyal na iyon." wika nito.
"Kung alam mo ay bakit hindi mo siya tinulungang magpaliwanag sa ating mga kasama?"
"Dahil kailangan kong maki-ayon sa kanila. Marahil ay mas makakabuti ang ganito kay Serena, at sa batang dinadala niya. Isa pa ang pagdadalang-tao niya ay isang kagalakan sa aking puso. Kailangan niya itong ingatan" Ani Dalton.
"W-what d-did you s-say?" gilalas niyang tanong.
"Maybe that child is our savior, who knows? Maybe that child is the real successor?" nakangiting wika ni Dalton sa kanya.
Kinindatan pa siya nito bago siya iniwanang mag-isa. Napakalakas ng hinala niya na may itinatago si Dalton. Ang bawat salita nito ay may laman para sa kanya.
"Isa kang hangal kung iniisip mong nagtagumpay ka," aniya sa kaniyang isipan.
---
"Malalim na ang gabi, anong ginagawa mo rito?" puno ng pagtatakang tanong ni Iniego ng mabungaran si Serena sa kanyang maliit na salas.
"Ganyan ba ang ibubungad mo sa iyong bisita?" sagot niya habang pinapasadahan ng tingin ang katawan ng binata. Bahagya pa siyang napalunok ng makita ang katawan nito na nagmamayabang ang mga masel.
"Nagsabi ka sana na pupunta ka, hindi mo sana ako daratnan na naka-tuwalya." Supladong sagot ng binata. Galing lang kasi ito ng banyo at marahil ay kakatapos lamang maligo.
"Huwag kang mag-alala, hindi ko pagnanasaan ang katawan mo." Nakataas ang kilay na sagot niya.
"Okay, make yourself believe with your lies, if I haven't seen you drool while staring at my naked body, maybe maniniwala ako," tukso ng binata.
"How dare you!" gigil niyang sagot.
"Hahaha! Magdadamit lang ako ng maayos-ayos, saka na tayo mag-usap, baka ano pa magawa ko sa'yo." Sambit ng binata sabay tingin sa kanya.
Nagtataka sa iginawi ng binata kaya palihim niyang pinasadahan ng tingin ang sarili. Halos magkulay makopa ang buong pisngi niya ng makitang nakaroba lang siya at walang suot na pang-loob.
"Give me that damn towel," maawtoridad niyang utos sa binata sabay titig sa mga mata nito. Hindi niya tiyak kung gagana pa ang hipnotismo sa binata ngunit sinubukan niya pa rin.
"Okay," mabilis na sagot nito. Ipinikit niya pa ang mga mata ng makita ang kahubaran ng binata. "Magpalit ka na ng damit." Utos niya. At kagaya ng inaasahan ay agad ding tumalima ang binata.
Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang kalakas ang impact sa kanya ng presinsya nito. Mukhang nahulog na nga siya sa binata. Iyon na nga ba ang tinatawag na pag-ibig?
Nang matapos magbihis ang binata ay inutusan niya itong umupo sa harapan niya. Wala siyang ibang ginawa kundi titigan ito sa mata. Blanko man ang titig ng binata dahil sa panghihipnotismo niya ay lihim pa rin siyang nakaramdam ng tuwa ng makita niyang nakangiti ito sa kanya.
Ilang minuto silang nasa ganoong sitwasyon ng bigla siyang makaramdam ng pagkabalisa. Hindi niya mawari ngunit biglang nanakit ang kanyang tiyan.
"O-ouch!" hiyaw niya ng biglang kumirot ang sinapupunan niya. Biglang nanginig ang kanyang kalamnan at sa pagbaling ng paningin niya ay nalaman niya ang kasagutan ng nangyayari sa kanya.
Mula sa bintana ay may nakita siyang pigura na nakatingin sa kanya. Marahil ay kararating lang din nito kaya bago niya lang ito naramdaman. Tumingin siya sa kalangitan, nakita niya ang maliwanag na buwan. Kaya pala malakas ang pakiramdam niya ng mga oras na iyon. Dahil binibigyan siya ng sapat na enerhiya nito.
"Where do you think you're going?" asik niya sa pigura ng bigla itong tumalima. Naglakad lang ito ng marahan imbes na tumakbo papalayo sa kanya. May nais itong mangyari kaya naman sinundan niya ito. Suot ang makapal na jacket ng binata, agad niya itong sinundan. Maingat nitong binabaybay ang masukal na gubat at tahimik siyang iginigiya patungo sa dako pa roon.
"Sino ka! Harapin mo ako!" malakas niyang sabi ng huminto ito sa isang maliit na kubo. Sa tagal niyang naninirahan sa kubong iyon ay ngayon lang niya ito nakita. Kaya batid niyang hindi iyon basta-basta isang kubo lang.
Kumumpas ang mga kamay nito at sa isang iglap ay nagkaroon ng siga ang mga ilaw na naroon.
"Gusto mo ba talagang malaman kung sino ako?" Tanong ng nilalang.