Ep.12

1145 Words
"Oo, magpakilala ka sa akin. Sino ka at ano ang kailangan mo sa amin?" Nakahalukipkip niyang sambit. Mula sa pagkakatalikod nito ay maingat nitong tinanggal ang suklob sa ulo. Tumambad sa kanya ang mahaba at kulay blonde nito na buhok. Dahan-dahan itong humarap sa kanya at napaawang ang kanyang labi sa nakita. Her eyes must be tricking her, ilang beses niya iyong kinusot. But the sight of her never change at all. "S-S-sienna!" gulantang niyang wika. She couldn't believe it. She is alive? How the hell it happened? Ang kakambal na inakala niyang patay ay narito sa kanyang harapan ngayon, buhay na buhay at nakangiti sa kanya. "Oo, ako nga ito Serena! Kaytagal kong inasam na muli kang makasama, kapatid ko!" naluluhang sabi nito. Dala ng silakbo ng damdamin ay agad siyang tumakbo papalapit at mahigpit itong niyakap. "Kaytagal kong nanabik sa'yo, buhay ka pala. Bakit ngayon ka lang nagpakita!" hilam ang mga luhang sabi niya. "Pasensya ka na kambal, kagaya mo ay marami rin akong pinagdaanan. Nagdusa rin ako ng napakatagal at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na muli kang makasama, napakasaya ko ngayon Serena!" umiiyak rin na sabi nito. Muli niyang niyapos ang pinanabikang kapatid at halos hindi niya ito bitawan. "Paano kang nakaligtas kay Viktur? Nasaksihan ko ang ginawa niya sa'yo, maging kina Papa at Mama..." "Mahirap ipaliwanag, ngunit nakaligtas ako. Nakuha ni Viktur ang kwintas ko at nainom niya ito. Mabuti na lamang at may nasimot ako kaya naman, heto at nakaligtas ako. Pero naging bihag nila ako ng napakatagal at ngayon lang ako nakawala sa kanila. Dahil sa'yo kaya ako nakalaya sa poder ni Viktur. Salamat sa pagpaslang sa kanya Serena." "Kung alam ko lamang na nakaligtas ka, matagal na sana kitang natulungan," umiiyak niyang sabi. "Hindi pa huli ang lahat, pwede mo pa akong iligtas at tulungan ngayon." Umiiyak nitong saad. "Iligtas? Saan?" nagugulumihang tanong niya. Imbes na sumagot ay hinubad nito ang suot na damit. Tumambad sa kanya ang balat nitong parang isang kahoy na unti-unting natutuyot. "Bakit nagkaganyan ang katawan mo?" usisa niya. "Hindi sapat ang nainom ko, wala na rin si Viktur. Ikaw na lang ang pag-asa ko Serena, tulungan mo ako.. Maawa ka sa akin," pagsusumamo nito. Biglang nagliwanag ang mga mata nito ng makitang suot niya ang kwintas. "Ipainom mo 'yan sa akin, mabubuhay na ako ng matagal at malakas!" nanlalaki ang mata nito dulot ng labis na kasiyahan. Hinaplos nito ang kwintas niya na may halong pananabik. Marahan siyang umatras at umiling. Pinasadahan niyang muli ang katawan ng kanyang kaharap. Nahagip ng paningin niya ang tattoo na hindi nawaglit sa kanyang isipan. "Kaya ka ba nagpakita sa akin para makuha lamang ang kwintas ko, at makuha ang likido nito?" alerto niyang sabi. Mula sa kanyang bulsa ay inihahanda niya ang patalim na palagi niyang dala. Ang patalim na iyon ay kayang makapinsala ng mga bampira. "Ano ka ba, akala ko ba nasasabik ka na muli akong makasama. Ngayong nandito na ako bakit hindi mo magawang ibigay sa akin ang gusto ko?" puno ng hinanakit na sumbat nito. "Sa akala mo ba, mauuto mo ako? Oo, sabik ako sa kapatid ko, pero hindi sa huwad na kagaya mo!" sigaw niya. "Akala ko ay pipiliin mong magpakabuti para sa akin dahil kapatid kita... Pero nagkamali ako, dahil imbes na tulungan mo ako ay pinagdudahan mo pa ako!" nanlilisik ang mga matang sabi nito. "Huwag mo akong paglaruan!" Sigaw niya sabay sugod dito. Walang pag aalinlangan na inundayan niya ito ng saksak ngunit mabilis itong nakakaiwas sa bawat atake niya. "HAHAHA! Hindi ka pa rin nagbabago, akala ko ngayong limitado na ang kapangyarihan mo ay mapapasunod kita kaagad. Mukhang nagkamali ako." palatak nito. "Oo, nawalan ako ng otsenta'y porsiento na kapangyarihan. Pero taglay ko pa rin ang galing na hindi mapapantayan ng kahit na sino man, oo nagawa ninyo akong maisahan. Pero hindi na iyon mauulit kailanman!" galit niyang sabi. Muli niya itong sinugod at kagaya ng inaasahan ay mabilis itong umiilag. Ngunit hindi niya ito tinigilan hanggang sa makorner niya sa sulok. "Gotcha!" nakangisi niyang sambit habang nakahawak ang mga kamay niya sa leeg nito. "Gotcha!" nakangisi ring sagot nito sabay hablot sa suot niyang kwintas. Sa bilis ng pangyayari ay kaagad itong umatake sa kanya at nabitawan niya ang dalaga. marahas siya nitong itinulak na naging dahilan ng pagsadsad niya sa lupa. Nabitawan niya rin ang dalang kutsilyo sa lapag. "Aray..." daing niya habang sapo ang tiyan. Namimilipit siya sa sakit habang nakatingin sa kaharap. Sinamantala iyon ng nilalang at agad na binuksan ang kwintas at nilagok ang laman niyon. "Huwaaaag!" pigil niya. Kahit anong pigil niya ay huli na, sapagkat nasaid na nito ang laman ng kwintas. Nakangisi itong lumapit sa kanya. "Paano ba 'yan, nakuha ko na ang gusto ko sa'yo?" nakangising wika nito. Naglakad ito papalapit sa kanya. Pinulot rin nito ang namataang kutsilyo na sa sobrang talas ay kumislap sa pagtama ng liwanag ng buwan. "Huwag kang lalapit!" sigaw niya. Sa halip na makinig ay ngumisi pa ito. Sa isang iglap lang ay nakalapit na ito habang nakaumang ang patalim sa kanya. "Goodbye, Serena! Magpaalam ka na sa'yong buhay! Pero huwag kang mag-alala, papalitan kita. Ako na ang mamumuno sa buong mundo!" wika ng babae. Unti-unting nagbago ang hitsura nito at naging siya. Sa isang kisap-mata ay kaagad nitong itinarak ang hawak na kutsilyo sa kanyang dibdib. Napaigik siya ng maramdaman iyon sa kanyang laman. Napayuko siya habang nakakuyom ang mga kamao. "I told you, hindi na ninyo ako maiisahan." "W-what?!" gulantang na sagot nito. Umatras ito ng bahagya ng makitang unti-unti siyang nawawala sa kawalan. "I'm sorry, but this is a decoy." Nakangiti niyang sabi habang sumasama sa ihip ng hangin ang kabuuan. "Noooo!!!" hiyaw ng nilalang ng maramdaman nito ang pag-iiba ng katawan. Ang dating tuyot na kalamnan nito ay mas lalo pang naging tuyot kasabay ng pagkalagas ng mga buhok. Bago pa siya nawala ng tuluyan ay nakatakbo na ito patungo sa madilim na bahagi kaya hindi na niya nakita ang pagpapalit nito ng tunay na anyo. Gayunpaman ay nakakasigurado siya sa napansin at naamoy niya sa kalaban. Hindi siya maaring magkamali. --- "Haaa!!!" hangos niyang bigkas ng makabalik sa kanyang katawan. Hinihingal siya ng bumalikwas sa kanyang kama. Ang kaluluwa lang niya ang naglayag, hindi ang kanyang buong katawan. Ang nakasagupa ng babae ay hindi siya mismo. At ang nalagok nitong likido ay ang likido na ginawa nila ni Elizabeth. "Uminom ka muna ng tubig, Serena." Mahinang sabi ng katabi niya. Iniabot nito ang isang basong tubig at agad naman niyang nilagok iyon. "Gaano ako katagal nawala?" "Sapat lang sa oras na itinalaga ko sa'yo." Sagot ni Elizabeth sabay nguso sa hourglass. "Mabuti." "Nalaman mo na ba ang sapat mong malaman?" usisa nito. "Oo, at bukas kapag tama ang hinala ko, magtatapos ang kahibangan ng walanghiyang 'yon!" gigil niyang sabi habang nagtatagis ang mga bagang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD