Ep.14

1090 Words
"D-d-dalto-on," nauutal niyang tawag nito habang sumisinghap ng hangin. Pakiramdam niya ay mapupugto na ang hininga niya hanggang sa sandaling matigilan ang lalaki. Nagtataka ang mga titig nito na nakatingin sa kanyang tiyan at kapagkakuwa'y suminghot-singhot. "Iyan ba ang dahilan ng iyong panghihina?" anito sa halos pabulong na tono. "Kung inaakala mong ito'y anak mo, nagkakamali ka. May dugong mortal ang batang ito at hindi kailanman magiging iyo!" nanlilisik ang mga matang sambit niya. "Nagsisinungaling ka, akin ang batang 'yan!" giit nito. "Ngayon ay inamin mo rin ang lahat ng paratang ko sa'yo ay totoo. Ikaw nga ang may pakana ng lahat!" "Mga kawal!" malakas na sigaw nito. "Dalhin sa piitan ang dalawang 'yan at huwag na palalabasin!" utos nito. Itinuro din si Elizabeth na naghihina pa rin na nakasalampak sa sahig. "You can't do this to me!" protesta niya. "I j ust did!" sagot nito sa nanlilisik na mga mata. "And from now on, ganito ang mangyayari sa lahat ng hindi susunod sa'kin!" "Ano ba! Bitawan ninyo ako! Hindi mo na ba ako kilala!" sigaw niya sa kawal. Ngunit kahit anong pagpupumiglas ang gawin niya ay hindi siya nito pinakinggan. Marahas sila nitong kinaladkad papalabas ng kwarto. Nagawa niya pang masilip ang tattoo sa bisig ng isa sa mga ito. Batid niya ng mga oras na iyon ay may galamay na si Dalton na taga-labas. "Huwag ninyong sasaktan si Serena. Dala-dala niya ang aking prinsesa..." Nakangising wika ni Dalton bago ito humalakhak ng napakalakas. "Hayop ka, Dalton! Magbabayad ka, pagbabayarin mo lahat ng ginawa mo sa'kin at sa pamilya ko!" malakas niyang sigaw ngunit mas lalo lang siya nitong tinawanan na waring nang-uuyam. --- Ilang oras na silang nasa piitan ngunit wala pa ring malay si Elizabeth. Matiyaga niya itong inasikaso para maging komportable sa pagkakahiga. Abala ang isipan niya sa pagpaplano kung paano sila makakatakas roon. Batid niya na malakas na ang pwersa ni Dalton, ngunit kailangan niya pa ring subukan na makatakas. "Posible nga kayang magkaroon ng koneksyon ang lalaking iyon sa'yo anak? Ngunit paano mangyayari iyon gayong si Iniego naman ang nakaniig ko ng gabing iyon sa aking pagkakahimlay?" malungkot niyang bulong habang hinahaplos ng marahan ang kanyang tiyan. "Dahil hindi iyon mangyayari kung hindi dahil sa kanya. Maaari ngang ang binatang mortal ang nakaniig mo ngunit si Dalton naman ang may kontrol sa mga nangyayari. HIndi malabong may parte ni Dalton ang batang nasa sinapupunan mo." Maingat na wika ni Elizabeth na narinig pala ang kanyang mga sinabi sapagkat gising na ito. "Ngunit paano?" nagugulumihan niyang tanong. "Hindi ko rin alam, ngunit susubukan nating alamin. Sa ngayon ay kailangan nating makaalis rito. Nangangamba ako na oras na mailabas mo ang sanggol ay patayin ka na rin niya." "Nakakatawa!" aniya kasabay ng pagak na pagtawa. "Bakit?" takang tanong nito. "Look at what I've become...I have no powers, no ability to do something just like before. And pregnant with a child whose the father is unknown." Mapait niyang wika. "We'll find a way para malaman ang lahat. You just have to be patient. You want to keep the baby, don't you?" "Actually, iyan ang mas nakakatawa. Kahit na binalaan mo ako na maaari kong ikamatay ang pagdadala sa batang 'to. I still want to keep this little tenant grow each day inside of me." Naluluha niyang wika. "Kahit na buhay ko pa ang maging kapalit maging ang kapangyarihan ko at katungkulan." "Then, keep it." "Why did you agree?" "She's someone we need someday. She can be a devil or an angel. It's her choice. But I'm sure, for now... she's the reason why we're alive." "And the necklace...." dugtong niya. "Speaking of. Where did you hide it? I'm pretty sure they're looking for it. Dalton badly needed it." "It's in the safest place on earth. Bago pa nila 'yon makita, I'm sure naubos ko na 'yon." malakas niyang sabi. Batid niyang may nakikinig sa usapan nila ng mga sandaling iyon kaya dapat niyang mag-ingat. "Good to hear that!" wika ni Elizabeth habang sumisilip sa maliit na siwang ng bintana. "Ano naman tinitingnan mo diyan sa labas?" tanong niya. "Huwag mong sabihing inaabangan mo pa ang pagpapalit ko ng anyo? Hindi na yata mangyayari 'yon, lalo na sa kalagayan ko." Malungkot niyang sabi. "Of course not, alam ko na kailangan kong maghintay na mailabas mo ang batang 'yan bago muling mangyari 'yan." "Kung gayo'y ano ang tinitingnan mo diyan? are you waiting for someone with his horse while wearing his cape and rescue us?" tudyo niya. "Kung hindi lang ito nangyari sa'kin, wala sana tayo sa sitwasyong ito. This is my greatest downfall, Elizabeth." "No, Serena. Not now. Not ever." Nangisngislap ang mga matang wika nito kasabay ng pagliwanag ng mukha. Ilang segundo lang ang nakakaraan ng biglang magkagulo sa labas na tila may digmaang nangyayari. Wala silang ibang naririnig kundi ang tunog ng mga espadang nagkakalansingan. "Anong nangyayari?" nagtatakang tanong niya. "A man with his cape finally arrives!" galak na sagot ni Elizabeth. Sabay pa silang napatingin sa pintuan ng bigla iyong bumukas ng malakas. Iniluwa ang isang lalaking kaytagal nilang hindi nasilayan. "Memphis!" magkapanabay nilang wika ni Elizabeth. "I'm sorry ladies, I'm a bit late." Nakangiting wika nito sa kanila. "Let's go!" Kaagad siyang pinangko ng binata at mabilis na nailabas sa kulungan kasunod si Elizabeth. Bumalik na rin ang lakas ng babae dala marahil ng nasagap na bagong pag-asa sa pagdating ng mabuti nilang kaibigan. "At sa tingin mo ba ay hahayaan kitang itakas ang aking mga bihag?" nakangising wika ni Dalton na nakaharang sa daraanan nila. "Of course you won't, but the thing is... I won't let you touch her again." Maawtoridad na wika ni Memphis sa lalaki. Sinugod ito ng binata at nagpambuno ang dalawa. Palibhasa ay mas bata at mas bihasa si Memphis kaya dehado si Dalton. Nasugatan niya ng malubha ang matanda na naging dahilan ng biglang pag-urong nito sa laban. "Bilisan mong hanapin ang lunas. Iniwanan ko lamang iyon sa tabi-tabi. Madali ka! Kung hindi ay kakalat ang lason sa iyong katawan hanggang sa tuluyan kang mamatay." Ani Memphis. Nanlalaki ang mga matang umalis si Dalton para isalba ang sarili. Kaagad nitong hinanap ang sinasabing lunas ni Memphis. Sinamantala iyon ng binata upang itakas sila. Nagulat pa siya sa dami ng kasama ni Memphis na sumugod upang iligtas siya. "Sandali..." pigil niya sa binata ng paalis na sila. "May nakalimutan tayong isama." dugtong niya. "Sino?" takang tanong ng mga ito. "Ang ama ng aking anak." Seryoso niyang sambit habang nakatanaw sa kinaroroonan ni Iniego na noon ay mahimbing pang natutulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD