21

1001 Words

PAGGISING ni Shelby ay telepono agad ang dinampot niya. Dalawang linggo na buhat nang bumalik si Jonas sa Cebu at ganoon na rin katagal buhat nang huli niyang makita si Marcus. Hindi ito dumalaw sa kanila samantalang nangako ito sa mommy niya na pupunta pa rin doon kahit nasa Cebu na si Jonas. Kahit tine-text niya ay hindi rin nagre-reply. Ayaw niyang isiping umiiwas ito pero ganoon ang mismong nararamdaman niya. At isa pa miss na miss na niya ang binata. “Hello, Marc? Kumusta?” wika niya nang sumagot ito. “I’m busy,” he said. “Busy? Sobrang busy para mag-reply man lang sa text ko?” sumbat niya. “Nandito ako sa La Vista, Shelby. On-going pa rin ang construction. Kinausap ako ni Mrs. Madlang-hari na ituloy nang itayo ang bahay. Ang original plan na ipinakita ko sa kanya ang susundin.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD