20

1059 Words
PAANO BA niya tatanggihan ang ganoong hiling kung iyon din naman ang gusto niyang gawin at tinitikis lang naman niya ang sarili. Itinapon niya sa labas ng bintana ang lahat ng agam-agam at tinawid ang pagitan ng kanilang mga labi. At minsan pa, tinikman niya ang halik na tila gigiba sa lahat ng depensang itinayo niya sa kanyang sarili. “Our kiss is so good, Marc,” wika ni Shelby nang maghiwalay ang mga labi nila. “Hindi kaya torture lang ang abutin natin pareho kung maghihintay pa tayo ng isang taon kagaya ng sinabi mo?” “Shelby, later malalaman mo rin na tama ako. Hindi lahat ng bagay makukuha sa apurahan.” “I love you, Marc.” Nginitian niya ito. “I’m going to love you, Shelby. Just wait for some time, please.” ITINAGO ni Shelby ang pagngiti. Wala siyang ideya kung ano ang pumipigil kay Marcus para amining mahal siya nito pero ramdam na rin naman niya iyon sa kilos nito. One year, hah! Ang tagal pa talaga niyon. Ganito pa ang in love. Dati ay gusto lang niyang mag-asawa. Nang dumating si Rogel, naisip niyang ang lalaki na ang mapapangasawa niya. Tinanggap niya ang alok nitong kasal at nagpatangay lang sa agos. But this time, it was very different. Ngayong natanto niyang si Marcus ang iniibig niya, parang hindi siya makapaghintay. Totoo nga sigurong impulsive siya. But then, ano ba ang masama sa pagiging impulsive kung sigurado naman na siya sa nararamdaman niya? “Tell me, Marcus, kunwari ba ay friends lang tayo pag-uwi natin sa amin?” nanunudyong sabi niya. Tila mapipikon na naman na sinulyapan siya nito. “I will act the same.” Bumungisngis siya. “Paano ba iyan?” sa wari ay ang bigat ng kanyang problema. “Sabi pa naman sa akin ni Eve kanina ay napaka-transparent ko. Hindi pa nga ako tapos sa kuwento ko ay may conclusion na siya na in love ako.” “Shelby, let’s not talk about that, please.” Dumabog siya pero kunwari lang. “Pasensya ka na. Sa transparent nga ang tao, eh? Hayaan mo, sasabihin ko na lang sa makakapansin sa akin, nagkabalikan na kami ni Rogel.” Isang marahas ang ginawang pag-iling ni Marcus at bigla na lang sumibad ang kanilang sasakyan. Ilang sandali pa at naroon sa sila sa bahay nila. At sila na nga lamang ang hinihintay. “Shelby, dumating dito si Mrs. Madlang-hari kanina. Hindi daw siya makapaniwala na umatras ka sa usapan ninyo ni Rogel,” sabi ng mommy niya. “Gusto nga’y ituloy pa rin ang pamamanhikan pero siyempre, hindi naman kami pumayag ng daddy mo.” “Hija, dapat yata ay mag-usap kayo ni Rogel,” wika naman ng daddy niya. “Dad, wala na kaming pag-uusapan. Ayoko na.” Sinadya niyang sumulyap kay Marcus. “Oo nga, bakit pa makikipag-usap si Shelby kung ayaw na nga niya?” sabi naman ni Jonas. “Mabuti pa, Mommy, kumain na tayo.” At binalingan nito si Marcus. “Saan nga pala kayo galing? Bakit ang tagal ninyo? Akala ko, sinamahan mo lang si Shelby sa kasal?” “Namasyal pa kami,” tipid namang sagot ni Marcus. “Saka bukas, mamasyal uli kami,” mabilis niyang sabi na higit na ikinagulat ni Marcus kaysa ng pamilya niya. “Hindi ba, Marc? Punta tayo sa Greenhills, sa tiangge.” Kumunot ang noo sa kanya ni Jonas. “Hoy, kami ni Marcus ang may lakad bukas. For the boys, okay? Babalik na ako sa Cebu sa hapon kaya babawi naman kami maski paano sa matagal naming hindi pagkikita.” Natawa ang mommy nila sa kanila. “Hatiin ninyo na lang kaya si Marcus? Tingnan ninyo iyong tao, hindi na makakibo sa inyo? Pinag-aagawan ninyo kasi.” “Pag-alis ko, saka mo ayain si Marcus kung saan mo gusto,” wika pa rin ni Jonas. “Ewan ko nga lang kung papayag. Bahala ka sa convincing power mo.” “Convincing power,” banayad na ulit niya at saka pinukol ng makahulugang tingin ang binata. Nang magtama ang paningin nila, she simply smiled at him. HISTORY repeats itself. Bata pa si Marcus ay naririnig na niya ang kasabihang iyon. Balewala sa kanya dati pero ngayon ay naiisip niyang tila totoo nga iyon. Ilang eksena ba ang inulit nila ni Shelby? Pero kung iyon lang ay balewala pa rin. Ang hindi niya mapapayagang maulit ay ang sakit na naranasan niya. Kung susunod siya sa nais ni Shelby, hindi nga malayong masaktan siya uli. It was true, he almost got married once. Dumating sa buhay niya si Laarni. She was also an architect like him, beautiful and intelligent. Nang makita niya ito, naisip niyang ito na ang babaeng hinihintay niya para pakasalan. Balewala sa kanya ang sinabi nitong brokenhearted ito kaya bigla na lang sumulpot sa kanilang opisina. She was claiming she was from Bacolod. Para makalimot, nagpasyang lumuwas ng Maynila at doon na lang mag-practice ng propesyon. Ilang beses silang nag-team sa mga project. Hindi na rin siya nag-aksaya ng panahon at niligawan ito. Sinagot din naman siya agad. Sa mabilis na panahon na ikinatuwa naman niya, pumayag ito sa alok niyang kasal. Nagsisimula na silang ihanda ang mga dapat na preparasyon sa kanilang kasal nang dumating ang isang lalaki kay Laarni. He was her former fiancée. And he wanted Laarni back. He never felt threatened. Tiwala siya na sila ni Laarni ang lubos na nagmamahalan. Wala siyang kamalay-malay na balewala pala ang pagtitiwala niya. Dahil isang araw ay inamin sa kanya ni Laarni na mas mahal pala nito ang dating kasintahan. He was doomed. Ilang panahon na hindi niya alam kung paano makaka-recover sa sakit na iyon. And he vowed to himself, hinding-hindi na niya hahayaan ang sarili na mapasok pa sa ganoong sitwasyon. He made his own golden rule: Never enter into a relationship with a lady who has just ended her previous relationship. At si Shelby ay eksaktong nasa kategoryang iyon. Kahit siguro ulit-ulitin ni Shelby na mahal siya nito, hindi pa rin siya susuong sa ganoong relasyon. Dahil sa loob niya, alam niya mahal din naman niya si Shelby. Maaaring kagaya ng dalaga, noon pa ay naroroon na ang pagmamahal na iyon. Pero hindi pa rin ito ang tamang panahon para bigyang-laya ang pag-ibig na iyon. He really had to wait for some time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD