“HINDI ako palaging makakapagpigil, Shelby,” seryosong wika ni Marcus nang nasa sasakyan na sila. “Twelve years ago, I fought my own urge to kiss you. Kasi bata ka pa.”
“Puwes hindi na ako bata ngayon,” katwiran agad ni Shelby. “I’m twenty-seven. Muntik na nga akong mag-asawa.”
“And you think I don’t know that? Do you think I don’t see that?” linga niya dito. “Kanina, sa sinehan, sinadya mo iyon.”
“Sinadyang ano?”
“You looked up to me. You pressed your lips to mine.”
“Ako ba ang gumawa niyon? Akala ko, ikaw. And besides, hindi mo naman ako hinalikan, ah?”
“Because I controlled myself.”
“Bakit naman kasi kailangan mong mag-control? I was asking for that kiss anyway.”
“Which puzzled me. Kaninang umaga, binuksan natin ang topic na iyan. Pero ano ang reaction mo? Ikaw ang umiwas. Ngayon naman, ikaw ang nagtutulak.”
“Nagtulak, Marc. Past tense. Ginawa mo na—natin. And it isn’t bad. Delicious pa nga. And I want you to remember, hindi lang iyon basta halik. ”
“Pinaglalaruan mo ba ako?” pikong sabi niya sa dalaga.
“Of course not! Bakit kita paglalaruan? Ikaw na ang nagsabi, that kiss was nine years overdue. Masyado nang matagal iyon. Actually, kung bibilangin ang paghihintay ko mula noong fifteen ako, hindi lang iyon nine years.”
“But you don’t understand.”
“Ano ang kailangan kong maintindihan? That you want our first kiss special? Gaano ka-special? Dinner with candlelight? With roses and chocolate? I don’t need that. All I need is to taste your kiss. And I got my wish. In fact, it’s more than what I expected. It felt so good you were touching me with your hand, with your lips—with your tongue, also.”
“Damn!” mariing wika niya.
Nagagalit si Shelby at nagagalit din siya. Pero kahit nagagalit siya, hindi naman niya maiwasang tablan sa sinasabi nito. Her words indeed aroused the male hormones in him. Lalo na sa huling pangungusap nito.
Pero kailangan niyang gamitin ang isip niya. Hindi siya puwedeng basta na lang magpatangay sa nangyayari sa kanila. He must have known her when she was little pero ang nangyayari sa kanila ngayon ay maituturing pa ring whirlwind.
At hindi nga ba’t may nagsabing anything whirlwind burns out real fast?
“Huwag kang ganyan, Marc. Ayokong isipin na nagsisisi ka na ginawa natin iyon,” mahinang sabi ni Shelby. “Noong fifteen ako, pagiging adventurous ko ang dahilan kaya ko inamin ang damdamin ko sa iyo. Now, hindi na ako fifteen. At hindi rin naman sense of adventure ang mas nagtulak sa akin para gawin iyon.”
“Then what?”
“I love you, Marcus.”
Muntik na niyang tapakan ang preno sa labis na gulat. Nilingon niya ito pero hindi sapat ang mabilis na pagtingin niya sa dalaga para lubos na maunawaan ang sinabi nito. Itinabi niya ang sasakyan at saka ito hinarap.
“Tama ang narinig mo, Marcus,” wika nito sa kanya na sa mismong mga mata niya nakatingin. “I discovered that I love you. Or siguro, iyong crush ko sa iyo noon, o puppy love man, maybe that’s already love. Actually, I even thought that you’re my fist love. Pero huwag na natin iyong balikan. Ang sinasabi ko ay iyong ngayon. Present tense. I love you. I’m in love with you.”
Tama nga si Shelby. Narinig niya nang malinaw ang lahat ng salitang binitiwan nito. Ang problema niya, hindi niya alam kung tatanggapin niya iyon o babalewalain na lang.
“And lately, I realized that you also somehow felt for me. Dahil kung wala kang pagtingin sa akin kahit katiting, you wouldn’t promise me a kiss. Or better yet, you wouldn’t remind me of that kiss. Ikaw din naman ang umungkat ng paksang iyon kaninang umaga, hindi ba?”
“Nabanggit ko lang naman,” sagot niya.
“Damn you, Marcus. Huwag kang magsalita na parang balewala sa iyo ang halik na iyon. Hindi lang iyon basta masarap. I also felt something with that kiss. You… may not be in love with me yet, pero hindi iyon basta halik lang. You were kissing me passionately.”
“So what do you want now?” mahinang tanong niya.
“Gagawin mo ba?” tugon nito na tila hinahamon siya.
“Hindi ko alam. Kung kaya ko, gagawin ko siguro.”
“I want you to love me back,” prangkang sabi ni Shelby.
He made a deep sigh. “I’m sorry, Shelby. Hindi ko iyan magagawa.” And he hated himself for saying those words. Sapagkat kitang-kita niya kung paano gumuhit ang labis na kirot sa mga mata at pati sa buong mukha ng dalaga.
“I DON’T believe you,” halos bulong na sabi ni Shelby. Hindi niya gustong maniwala sa narinig pero malinaw naman iyong naglagos sa tenga niya. She swallowed painfully. Ang luha niya ay nagbabantang bumagsak pero hindi niya iyon hahayaan.
“All right, let me rephrase that,” wika ni Marcus pero hindi rin agad na nagbuka muli ng mga labi. He seemed to think carefully. At nang lingunin siya nito, nabasa niya sa mga mata nito ang paghingi ng pang-unawa.
“Tama ka, princess,” he said gently. “When you were fifteen, nang ipangako ko sa sarili ko na maghihintay lang ako na mag-eighteen ka, totoo iyon sa loob ko. I really felt something for you.”
Nabuhayan ang loob niya. “And then?”
“Things went differently. Dahil sa date natin noon, nag-away kami ng kuya mo. Pinagbintangan niya akong inaahas kita. Na sinasamantala ko ang vulnerability mo dahil bata ka pa. Iyon din ang naglayo sa amin ni Jonas. Years passed at nagkaroon ako ng involvement sa iba’t ibang babae. Forgive me, pero kailangan ko ring aminin. Somehow I forgot about it. Siguro dahil kahit naman maalala ko, ano ba ang gagawin ko? Magkagalit pa rin kami ni Jonas. Isa pa, nasa ibang bansa naman ako noon at wala na rin akong balita sa inyo. Chances are, may karelasyon ka na. At hindi naman ako nagkamal, di ba?”
“Wala na nga kami ni Rogel. How about now? Bumalik ka na, Marcus. And you are unattached. You can love me the way I love you.”
“I wish I could, Shelby. Tama ka rin, may nararamdaman ako sa iyo ngayon. In fact, that feeling grew deeper when I kissed you. Pero hindi ko gustong pumasok ngayon sa isang relasyon. Lalo na sa iyo.”
Naningkit ang mga mata niya. “Anong lalo na sa akin? Iniinsulto mo ba ako?”
“Shelby, susugal ako kapag nagsimula tayo ng isang relasyon. Susugal ako sa friendship namin ng kuya mo. Susugal ako sa tiwala sa akin ng mga magulang mo. At susugal din ako para sa aking sarili. And this last thing, ito ang hindi ko sigurado kung kaya ko nga bang sugalan.” Mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito.
“Damn that friendship of yours with my brother! Damn that trust. Marcus, kapag pumasok tayo ngayon sa isang relasyon, tayong dalawa lang ang magiging involved sa isa’t isa. Pareho na tayong nasa edad. Kung anuman ang maging problema sa relasyon natin, tayo ang magdadala niyon. Hindi si Kuya, hindi ang parents ko.”
“You don’t understand me. I have this fear inside me. Princess, kahit mga lalaki ay mayroon din namang takot sa dibdib.”
“Then tell me. Tell me, Marc, kung ano ang takot na iyon. Baka magawa kong alisin. I love you, Marc. At ang pag-ibig na nararamdaman ko sa iyo, hindi ko ito naramdaman kay Rogel.”
Napailing lang ito. “Huwag nating apurahin ang mga bagay, Shel. Nakakatakot kapag masyadong mabilis. Baka ang inaakala nating hawak natin, wala naman pala sa palad natin.”
Napailing din siya. “Alam mo, Marcus? Pilit mong nilalaliman ang salita samantalang mas nakakalabo iyon ng usapan natin. Just tell me what’s your fear, Marc. Iyon ang gusto kong maintindihan.”
“Simple lang, Shelby. Katatapos mo lang bumitiw sa isang relasyon. It’s not healthy to enter into another relationship when yet, you aren’t completely recovered from the previous.”
“I love you, Marc.” She sighed. Bakit ba kanina pa siya sabi nang sabi ng I love you sa lalaking ito samantalang mukha namang kahit ano ang gawin niya ay tatanggi pa rin?
“Sa bagay na iyan, siguradong-sigurado ako.” Narinig na lamang niyang lumabas sa mga labi niya. “Huwag mong isipin kong katatapos lang ng relasyon ko kay Rogel. Kilala ko ang sarili ko. Sigurado akong mahal kita.”
Hinagod nito ng tingin ang buong mukha niya at saka masuyong hinaplos ang kanyang pisngi. “Next year, Shelby. Kapag sa isang taon ay ganyan pa rin ang damdamin mo sa akin. Wala nang ligaw-ligaw, pakakasalan na agad kita.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Next year?” gilalas na ulit niya. “Ang tagal pa ng next year!”
“Shelby, I don’t like the rush. Look, I’ll be constantly with you for the next twelve months. We will go out. Kung kailangan mo ng driver, I’m here. Kung kailangan mo ng bodyguard, I’ll do my best to be one. Pero huwag muna nating sunggaban ang relasyong gusto mo. Masyado pang maaga para doon.”
His tone hinted only one thing. Finality. At tila sumuko na rin si Shelby na ipilit pa ang gusto niyang mangyari. Sa halip inabot na lamang niya ang kamay ng binata.
“Marcus, puwede ba akong humiling?”
“What?”
“Just kiss me again. Please…”