18

1155 Words
Ngumiti siya at lumapit pa dito. “Yes, Marcus. I’m in love. And this time, pakiramdam ko ay ito talaga ang tunay na pag-ibig.” Napaubo ito ng peke. “At hindi ka pala in love kay Rogel?” “Well, I thought I love him. Pero iyong kaunting argumento, iyong bigla ko na lang pag-atras sa kasal namin, iyon ang nagpabukas sa mga mata ko na hindi pala ganoon kalalim ang pag-ibig ko sa kanya.” “Hindi kaya mas tama si Mommy Shelley?” “Na ano?” “Pre-wedding jitters. Baka bigla ka na lang napunta sa state of denial. You turn cold feet. Siyempre, hindi naman biro ang magpakasal. Habang-buhay na commitment iyan. Well, at least, sa paniniwala ko, marriage is indeed a lifetime commitment.” Siya naman ang tumitig dito. “Ikaw, Marc, handa ka bang magpatali sa isang babae? Kung naniniwala kang lifetime commitment ang kasal, ibig sabihin ganoon ang balak mo kapag nag-asawa ka.” Mabilis itong tumango. “Yeah. Iyon ang balak ko. And princess, kapag siya ang tamang babae sa akin, I’m sure a lifetime isn’t enough for our love.” “Bakit hindi ka pa nag-aasawa?” “Muntik na. Dati.” Napukaw ang interes niya. “May I ask why?”  “Simple lang ang sagot. Iniwan niya ako.” “Dahil sa ibang lalaki?” “Yes,” walang tonong sagot nito. Hindi niya maisip kung dapat ba siyang maniwala. Kagaya ng tono ng binata, ay ganoon din kawalang-ekspresyon ang anyo nito. At kung iisipin niyang maskara lang iyon sa tunay na nararamdaman nito, ibig sabihin ay nasasaktan pa rin ito. “May girlfriend ka ba ngayon, Marcus?” “Wala.” Isang maluwag na paghinga ang ginawa niya. “Thirty-four ka na ngayon, Marc. Hindi mo pa ba naiisip mag-asawa? O kaya, magsimula man lang hanapin iyong babaeng sinasabi mong para sa iyo.” “Alamo mo, Shel, kanina, para kang nagging wife. Ngayon naman, para kang mama ko. Actually, hindi ko na alam kung pang-ilan ka sa nagtanong tungkol sa pag-aasawa ko. I wonder why. I’m only thirty-four. I’m enjoying my life.” “Kapag dumating ang babaeng para sa iyo, sasabihin mo pa rin kaya na your enjoying your life?” “Ang kulit mo, princess.” “Makulit ako o gusto mo lang umiiwas sa topic natin?” “Alam mo, Shelby, nasabi sa akin kanina ni Mommy Shelley na magsisigang siya ng hipon para sa hapunan. Kung bumalik na kaya tayo sa inyo? Specialty din ng mommy mo ang sinigang na hipon, di ba? Ang sarap nu’n lalo na kung maraming kamyas.”  “ALAM MO, Marcus, hindi lang naman itong topic na ito ang iniiwasan mong pag-usapan natin, eh.” Humarang siya sa daraanan nito nang makita niyang pintuan na ang tungo ng hakbang nito. “Wala akong iniiwasang kahit ano, Shelby. Hindi ko lang maintindihan kung bakit gusto mong pag-usapan ang pakikipagrelasyon ko. Nakaraan man o kasalukuyan o hinaharap.” “Importante sa aking malaman ang tungkol doon, Marc. Kasing-importante ng bagay na hinihintay kong mangyari.” “Ano?” She tilted her face to him. “Kiss me, Marcus. You owe that to me.” Isang paghinga ang ginawa nito. “Shelby, you’re asking—” “For trouble?” agaw niya. “I don’t care, Marcus. Just let know how it feels to be kissed by you. O baka naman bakla ka?” Sinadya niyang lakipan ng pagtuya at paghamon ang huling pangungusap. “Hindi ako bakla,” tila may galit na sabi nito at bigla na lamang tinawid ang pagitan ng kanilang mga labi. Hindi niya masabi kung ano ang una niyang naramdaman. Gulat ba dahil kinagat ni Marcus ang pain niya o tuwa dahil sa wakas ay nakamit na niya ang inaasam niyang halik mula rito? O ang masarap na sensasyong unti-unting gumapang sa buong katawan niya? His kiss was gentle and teasing, malaking kabaligtaran ng masungit na ekspresyon sa mukha nito. Marahil ay ikinapikon nga nito na masabihang bakla, pero wala naman katiting mang kabruskuhan sa paraan ng paghalik nito. “Marc,” pabulong na tawag niya. “Ganito lang ba ang halik na labing-dalawang taon kong inasam?” “Jesus!” bulalas ni Marcus at muling sinakop ang mga labi niya. The gentle and teasing manner had gone. His kiss became hard, deep and demanding. At wala naman siyang reklamo sa paraang iyon. She also made her own movement and exploration. Pakiramdam niya, mapupugto ang kanyang hininga nang maglakbay ang mga labi ni Marcus. Buhat sa mga labi niya ay naglandas iyon patungo sa ilalim ng kanyang tenga. He nipped the soft lobe of her ears then traced it with his tongue. Hindi niya napigil ang pagtakas ng isang impit na daing buhat sa kanyang lalamunan. And when his lips traveled down her neck, napakapit na lang siya nang mahigpit sa batok nito. “Marc…” she whispered. At yumakap pa dito. She felt his warm, wet kiss on the valley of her breasts. Noon niya napansing kinalas na pala nito ang butones ng suot niya. And his fingers deftly undid the other button. Hinawi nito ang tela at dinama ang dibdib niya. He kneaded one soft globe gently habang ang isa namang kamay ay nasa likod ng bewang niya. Lalo pa siyang hinahapit nito. At kusa din naman niyang idinidikit pa ang sarili sa binata. Then he sucked her one n****e through the lacy material of her bra. She let out a sexy cry at lumubog ang daliri niya sa makapal na buhok nito. She felt she was melting. But when she felt his fingers playing the other aching n****e, she felt she was beginning to burst. When he kissed her lips again, she knew they were both on fire. The kiss was deeper. It was hotter. His tongue explore the warm mystery of her mouth. Her tongue also invaded his. Then he traced the seam of her lips with his tongue. He kissed each corner and nipped her lower lip gently. Then he stopped. Umunat si Marcus ng tayo. Hinagod ng tingin ang buong mukha niya at saka gumawa ng distansya sa pagitan nila. “I hope I have come up to your expectation with that kiss,” sabi nito. Biglang napakunot ang kanyang noo. “Nang-iinsulto ka ba?” may bahid ng galit sa tinig niya. Marahan lang itong umiling. At nauna nang tinungo ang pinto. “Bumalik na tayo sa inyo. Baka tayo na lang pala ang hinihintay doon.” Gusto niyang abutin ang lahat ng kalat na nakikita niya at iitsa sa binata. Bakit nagkaganito? The kiss was so good. Imposible naman yatang siya lang ang nag-enjoy sa halik na iyon kaya bigla na lang naging aburido si Marcus? Matulis ang ngusong sumunod na lang siya sa paglabas nito. Akala niya, mga babae lang ang mahirap iintindihin. Pero mas mahirap yatang intindihin ang mga lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD