LIKAS siyang mahina sa lamig. At mukha pa namang nakatodo ang buga ng aircon sa sinehang pinasok nila. Ilang sandali pa lang silang nakaupo doon, pinagkikiskis na ni Shelby ang mga palad niya.
“Let me,” sabi ni Marcus at bago pa siya nakasagot ay inabot na ang kanyang kamay.
Nang lumapat ang palad niya sa palad nito ay parang nakalimutan niyang giniginaw siya. Mas naging aware siya sa kuryenteng dumaloy sa pinong ugat niya. Napalunok siya. Sinulyapan niya siya Marcus para malaman kung kapareho lang ng epekto dito ang naramdaman niya.
But his eyes was fixed on the screen. Mukhang mas nakatutok ang konsentrasyon nito sa palabas. But his palms kept rubbing hers.
Sa ilang minuto ay natakpan ng ginagawa ni Marcus ang naramdaman niyang ginaw. Nawala din iyon sa isip niya. She was more aware of the contact they make. Nawala na ang interes niya sa palabas. Mas nakatitig na siya ngayon sa mga palad nilang hindi lang basta magkadaop.
Pero iba ang sigid ng ginaw sa katawan niya. Ilang sandali pa at hindi na rin siya mapakali sa upuan. Nilingon siya ng binata.
“Giniginaw ka pa rin?” he asked.
“Ang lamig, eh.” Kinuha na niya ang kamay dito at niyakap ang sarili.
“Alam mo, princess, ibang klase ka,” pabulong na wika sa kanya ni Marcus para hindi makabulahaw sa ibang nanonood. “Sa ice cream, ang tibay ng lalamunan mo pero sa kaunting lamig ng aircon mukhang ngingikihin ka.”
“Maginaw namang talaga,” katwiran niya, bahagya pang nangatog ang baba.
Tinitigan siya nito, nasa mga mata ang kaaliwan. Pagkuwa ay inunat nito ang isang braso. “Ganito siguro dapat para hindi ka ginawin.”
Akala niya ay aakbayan lang siya nito. Ngunit ginamit lang nito ang pag-akbay na iyon para kabigin siya sa dibdib nito.
Napigil ang paghinga niya. Nanuot sa pandama niya ang natural na amoy ni Marcus na humalo sa cedar scent cologne nito. Nakasandig na siya sa dibdib ng binata pero parang nais pa niyang idaiti lalo ang sarili doon.
“Manood ka, Shel. Sayang ang ticket,” bulong nito sa kanya.
Bigla siyang napatingala dito. “Nanonood naman ako, ah?” kaila niya.
“Really? May reflection ba ang screen sa shirt ko?”
“Conceited!” Hinampas niya ang dibdib nito at kumilos para lumayo pero humigpit sa kanya ang yakap nito. “Ano ba?” she struggled.
“Diyan ka na lang. Masarap palang kayakap ka.”
Napakunot ang noo niya. Parang hindi niya maintindihan si Marcus. Pero nang maramdaman niya ang marahang paghagod nito sa kanyang buhok pababa sa kanyang likod, doon na natuon ang isip at lahat ng pandama niya. Bukod sa natatanggal ang ginaw niya, ramdam din niya ang kakaibang maliliit na kilabot na nagagawa ng mga paghaplos na iyon sa kanya ng binata.
Lalo nang hindi niya naintindihan ang palabas kahit na doon nakatutok ang mga mata niya. Mas aware siya sa bawat pagdama ng palad ni Marcus sa kanya. And then she felt him kissed her hair.
Bigla siyang tumingala dito.
And her lips met his.
They both froze. Pati yata paghinga niya ay tumigil din. At pagkuwa, ang kamay ni Marcus na nasa likod niya ay gumapang pataas sa batok niya. With a gentle pull, naramdaman niyang lalo pa nitong inilapit ang kanyang mukha dito.
Her lips parted instantly when she felt his lips against her.
Pero hindi iyon gumawa ng iba pang kilos. For the next second, nanatili iyong basta magkadaiti lang.
“Marc, aren’t we going to kiss?” may pagkainip na sabi niya.
Naramdaman niya ang biglang pagbunot nito ng hininga at pagkuwa ay inilayo siya nito sa sarili nito. “Naiintindihan mo ba ang palabas?” tanong nito.
“No. Ikaw ang iniisip ko.”
“So, ano pa ang ginagawa natin dito?” Kinuha nito ang kamay niya at tumindig na. “Tara, lumabas na tayo.”
Nagpatangay siya. Nakababa na sila buhat sa balcony nang magsalita siya. “Marc, paano na iyong kiss natin?”
Pinukol siya nito ng tingin at biglang tumigil sa paghakbang. “I don’t want our first kiss to be in that dim corner of the movie house. Princess, when we kiss, I want that to be special.”
Oh, dear! Pakiramdam niya, lalo nang nagdadamba ang puso niya sa narinig. Kasalanan ba kung ganitong bigla na lang siya uling ma-in love kay Marcus?
“Kailan iyon, Marc?” malakas ang loob na tanong niya. Wala siyang pakialam kung ano ang isipin ng binata. Ang habol niya ay ang ma-satisfy ang curiosity niya. at wala siyang balak na maghintay nang matagal.
Napangiti ito sa kanya. Buhat sa pagkakahawak-kamay sa kanya ay kinabig siya nito pahapit sa mismong katawan nito. “Akala ko, fifteen ka lang kasi noon kaya impulsive ka. Hanggang ngayon pala…” amused na wika nito.
“Hindi ako impulsive, Marcus. Gusto ko lang malaman kung kailan.”
“Don’t worry, hindi naman tayo bibilang uli ng labing-dalawang taon. Kung mag-ice cream na lang kaya muna tayo?” anito at kinindatan siya.
Hindi niya makuhang mainis sa sagot ni Marcus sa tanong niya. Mukha namang hindi na niya kailangang mangulit pa tungkol doon sapagkat malakas ang kutob niya na malapit na iyon.
“DITO KA nakatira?” tanong ni Shelby nang dalhin siya ni Marcus sa isang condo unit. Tipikal na bachelor’s pad iyon. Mas mukha pa ngang workroom kaysa tirahan. Doon siya inaya ni Marcus matapos silang mag-ice cream.
“Yeah, sorry for the clutter.”
“Well, ganyan naman kayong talaga ni Kuya Jonas kahit noon pa.” Sinamsam niya ang diyaryong nasa sofa at ipinatong iyon sa mesita para mayroon siyang mauupuan. “Totoo yata ang kasabihan. Kung sino pa ang karpintero, siyang sira ang bahay. Ikaw naman, naturingang arkitekto, pero tingnan mo naman itong place mo. Bakit hindi ka na lang umuwi sa talagang bahay ninyo?”
“Huwag na. Mas malaki pa ang kakalatan ko doon,” he grinned. “Saka convenient na itong place na ito para sa trabaho ko. You want some juice? Iyon lang ang maiaalok ko sa iyo maliban na lang kung gusto mo ng wine or beer.”
Nalukot ang ilong niya. “Mabuti pa, tubig na lang. Iyong malamig, ha?” Tumayo din siya at sumunod kay Marcus na ilang hakbang lang naman ang layo ng kusina buhat sa munting sala. Nasulyapan niya ang loob ng kuwarto sapagkat nakabukas naman ang pinto niyon. Makalat din. Bukod sa tuwalya ay briefs at medyas ang nakita niyang nakakalat sa sahig. Hindi nga lang niya alam kung malinis ba iyon o hindi na.
“Alam mo, Marc, kahit dalawang housekeeper, susuko sa mga kalat mo,” kantiyaw niya dito. “Grabe! Hindi ka pa kaya namamaho dito?”
“Bakit naman? Masipag akong maligo, ‘no?”
“I mean, look at this mess. Hindi lang diyaryo at kung anu-anong papel ang nakakalat. Hindi kaya inaamag na ang tuwalyang nakalupasay sa kuwarto mo? Pati medyas at briefs?! So horrible,” eksaherado pang wika niya.
“Alam mo, Shel, you sound like a nagging wife,” iiling-iling lang na sabi sa kanya ng binata.
Itinaas niya ang kilay. “Well, kung pagiging wife ang pag-uusapan, malayo pa ako doon. That is, kung walang magpo-propose sa akin uli.”
Biglang napatitig sa kanya si Marcus. “What do you mean by that?”
“Kung paano mo naintindihan ang sinabi ko, iyon ang ibig kong sabihin,” sagot naman niya.
“Are you telling me gusto mo na uling magka-boyfriend?” kunot ang noo nito.
“Why not? Wala na kami ni Rogel.”
“Jesus! Hindi ko yata alam kung paano ka iintindihin. Iilang araw ka pa lang nakipagkalas sa isang relasyon. At hindi basta relasyon. Engaged na kayo noong tao.”
“And so?” balewalang tugon niya matapos uminom. “Kung na-realize ko naman na hindi ko na mahal si Rogel, bakit naman ako maghihintay pa ng ilang panahon para ma-in love uli? Besides, in love na nga ako ngayon.”
“What?!”