16

1320 Words
“HOY, BABAE, halika nga rito,” hila sa kanya ni Eve nang matanawan siya nitong dumating sa reception. Wala pa naman doon ang ikinasal. Pero as usual, nauunang dumarating si Eve sa reception para tiyakin na maayos ang lahat ng daratnan doon. Maxine could take care all of the picture-takings na mas inaabot pa ng mahabang oras kaysa sa mismong misa para sa kasal. “Eve, may ipapalusot sana ako sa iyo.”  “Sino iyang kasama mo? Hindi naman iyan si Rogel, ah?” Tinaasan siya nito ng kilay, abot hanggang hairline nito. “Wala na kami ni Rogel. Hindi na matutuloy ang pamanhikan. Iyan si Marcus, best friend ng kuya ko.” “Na boyfriend mo naman? Bilib din ako sa iyo, Shelby. Ang bilis mo humanap ng kapalit!” “Ano ka ba? Kinder pa lang ako, kilala ko na iyan. Bukod sa kuya ko, iyan ang kumukunsinti sa akin sa kasibaan ko sa ice cream. Pero hindi ko iyan boyfriend. Sana nga, ‘no?” At napangiti siya ng pilya. “Pero, sis, iyan ang pantasya ko nu’ng high school ako. First date ko pa iyan. Kainis nga, eh. Hindi siya ang naging first kiss ko. Masyado kasing gentleman. Fifteen pa lang daw kasi ako nu’n. Sabi niya, pag eighteen na raw ako. Nu’n namang mag-eighteen ako, missing in action siya. Noong isang araw lang iyan lumutang.” “Dahil ba sa lalaking iyan kaya kayo nag-break ni Rogel?” “No, ibang bagay. But that was also the day nu’ng magkita kami uli. Alam mo, sis, kagabi ko na-realize, in love pala ako iyan.” Napakilig pa siya. “Uh-huh,” ungol ni Eve. Lumapit ito sa caterer at nanghingi ng isang hiniwang kalamansi. “Sipsipin mo nga ito, Shelby,” seryosong wika nito at inabot sa kanya ang kalamansi. Kumunot ang noo niya. “Aanhin ko iyan? Kung ice cream pa iyan, baka ako pa ang unang sumunggab diyan.” “Ipatak mo sa dila mo, luka-luka! Para naman umasim ng kaunti ang ngiti mo,” natatawang wika ni Eve. “Iyang itsura ng ngiti mong iyan, I’m sure, bistado ka na ng lalaking iyon. Alam mo ba iyang itsura mo? Kulang na lang magkuwintas ka ng placard na may nakasulat na I’M IN LOVE WITH MARCUS.” “Ganoon?” Bumilog ang mga mata niya. “Ganoon.” “Well, kung halata, eh, di halata. Ano ba ang magagawa ko kung madaling mabasa ang kilos ko?” “At talaga ngang kinalimutan mo na si Rogel?” “Alam mo, sis. I just realized hindi ko naman pala ganoon kamahal si Rogel. Mabuti na lang na-realized ko agad. Imagine, muntik na akong magpakasal sa kanya?” She sighed. “Ang maliit lang na problema, ayaw pang tanggapin ni Rogel na ayaw ko na. Isinosoli ko iyong singsing, ayaw tanggapin. Cool off na lang daw muna kami. He was giving me space. Hindi nga tumatawag o nagte-text. Pero para sa akin, wala na kami talaga. Ikaw nga, di ba? Nakita mo sa itsura ko na iba ang aura ko.” “Well, I’ll be frank with you. Hindi ko pa nakitang ganyan ang itsura mo nu’ng si Rogel pa ang kasama mo. Kahit nang sabihin mo sa akin dati na nag-propose na sa iyo si Rogel, hindi ko nakitang nagningning ng ganyan ang mga mata mo. I believe you’re are indeed in love with the guy over there. Kaya naman ipakilala mo na ako sa kanya, okay?” Napabungisngis siya. “Pangako mo lang, hindi mo kakalimutan si Ryan?” biro niya. Pinanlakihan siya nito ng mga mata. “Luka-luka! Kahit mukhang nagbubuga ng karisma ang Marcus na iyan, kay Ryan pa rin ang puso ko, katawan at kaluluwa. Balak ko nga mabuntis na uli, eh. Para naman hindi sayang iyong effort naming dalawa gabi-gabi.” Hanggang sa makalapit sila kay Marcus ay nagkakatawanan sila ni Eve. “Marc, this is Eve. Ang wedding planner at owner ng Romantic Events,” pakilala niya. “Hello,” Marcus greeted politely. Iniabot pa nito ang kamay. “Gatecrasher ako, okay lang ba?” he smiled charmingly. “Don’t worry, walang problema diyan,” wika naman ni Eve. “Basta sama ka lang sa akin habang kumakanta si Shelby mamaya. Wala nang makakapansin na hindi ka naman kasali sa guests. They would probably think you’re one of my staff. Pinaka-guwapo kong staff,” pabiro pang dugtong nito. Nang lumingon sa kanya ay kumindat pa. Shelby knew, approved kay Eve si Marcus. At nakatuwa iyon sa kanya. “Mabuti pa, kumain na muna kayo. Mamaya, kapag nagsimulang kumanta si Shelby, baka abutin na kayo ng gutom,” sabi uli ni Eve. “May tiramisu ba for dessert?” tanong niya. “Shel, okay pala dito,” siko sa kanya ni Marcus. “Kung sino ang gatecrasher, unang pinapakain. Lagi mo akong isama sa mga kasalan, ha?” Napangiti lang sa kanila si Eve. Ngayon at kailanman; sumpa ko’y iibigin ka Ngayon at kailanman; hindi ka na mag-iisa Ngayon at kailanman; sa hirap o ginhawa man Asahang may kasama ka sinta, Naroroon ako tuwina, maasahan mo sinta. Ngayon at kailanman Nakatayo sa may buffet table si Marcus. Kausap nito ang waiters na naroroon. Hindi naman kailangan ni Marcus na sumunod sa lahat ng kilos ni Eve. Kayang-kaya nitong dalhin ang sarili. At nang magsimula siyang kumanta, nakita niyang doon ito pumuwesto. Malapit lang iyon sa kanya at nagkakatinginan sila nang mata sa mata. She smiled at him bago bumaling sa mga bagong kasal. She had learned to sing the song as if it was really for her. Dahil alam niya na kaya ni-request ang mga iyon na kantahin niya, iyon ang mga kanta na importante sa mga bagong kasal. Dapat lang na maging maganda ang pagkakakanta niya sa bawat piyesa. Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa iyo liyag Lalong tumatamis, tumitingkad Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon Na daig ng bawat bukas… Bigay na bigay si Shelby sa pagkanta. Just like last night, nakatitig lang sa kanya si Marcus habang kumakanta siya. Nang matapos ang kantang iyon, unang-unang pumalakpak si Marcus. Dalawang kanta pa ang ginawa niya at muli ay binati niya ang bagong kasal bago siya bumaba sa make-shift stage. “Okay ba?” nanunudyong wika niya kay Marcus na talagang sumalubong din sa kanya. She felt like a debutant. Inabot pa nito ang kanyang kamay para alalayan niya gayong dalawang baitang lang naman ang angat sa lupa ng make-shift stage. “Hindi ko maintindihan kung paano naging ganyan kaganda ang boses mo, princess. Kulang na lang ay ubusin mo ang lahat ng ice cream na nasa market. Alam mo ba noong araw, kapag pinapasalubungan ka namin ng ice cream, may guilt feeling kami ni Jonas na kung hindi ka malatin ay baka magkaroon ka ng tonsillitis o kaya naman ay ubuhin?” “But I did not have any of that, thanks. Saka, Marcus, huwag ka ngang magsalita ng ganyan. May pa-“noong araw” ka pa riyan. Para namang panahon pa ng hapon iyon. Para twelve years ago lang iyon.” “Twelve years ago, fifteen ka na. Ang sinasabi ko, some twenty years back. Noong pati pisngi mo at tenga ay kumakain ng ice cream,” kantiyaw nito. “Ganoon?” kunwa naman ay pikong wika niya. “Well, ngayon naman ay matino na akong kumain ng ice cream.” “Pito ang kinanta mo, binilang ko. Are you sure, okay lang na tumuloy na tayo agad sa ice cream house? Hindi kaya mapasma ang lalamunan mo?” “Saan naman tayo pupunta kung hindi tayo mag-a-ice cream?” “Let’s see a movie,” mabilis na sagot ni Marcus. Sandali siyang natigilan. At may kakaibang ngiti sa mga labi niya nang magsalita. “Just like twelve years ago?” “Yes, why not. Hindi naman masamang ulitin ang nakaraan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD