“Ahm... Ha?” iyon lang ang nasabi ko sa kanya. Ramdam kong nakanganga na ako habang nakatitig sa kanya. Lalo akong natigilan noong hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pumatong sa kandungan ko. “Hindi ka pa kasal. You can still have me,” mapang-akit niyang sabi. Napalunok ako bigla ng laway. Hindi ko man maunawaan pero bigla akong kinilabutan. Mahigpit na ang kapit ko sa upuan dahil iniiwasan kong mapahawak sa katawan niya. Bakit biglang parang ang bango-bango niya? Napukol ang mga tingin ko sa labi niya. Kinagat niya iyon at binasa gamit ang dila. “I-Ingrid…” nahihirapan kong sabi. Kailangan ko siyang pigilan dahil hindi ko alam kung magagawa ko pa iyon kapag tumagal pa ito. Hinawakan ko ang kanyang baywang at akmang itutulak siya. Ngunit bigla niyang ibinaba ang kanyang ulo

