Tahimik lang si Ingrid habang nagbabyahe kami papunta sa condo niya. Sumusunod lang ako sa sinasabi niya habang akbay-akbay siya. Sumakay kami sa isang taxi at bumaba sa isang building. Nakakita na ako no’n habang nagbabyahe ako papunta rito sa Maynila. Pero ngayon lang ako makapapasok sa loob kaya naghalo ang pagkasabik at pangamba ko. Nagbago rin bigla ang gusto kong mabiling bahay. Siguro ay mas matutuwa si Sofia kung sa ganito kataas kami titira. Pakiwari ko ay maabot na namin ang langit dahil sa taas ng building na ito. Pagkapasok namin sa unit ni Ingrid ay agad na nagliwanag ang mga ilaw sa may pinto. Nagulat pa ako pero pinilit kong ikalma ang sarili ko. Nagpatuloy ang pagbubukas ng mga ilaw hanggang sa marating namin ang sala. Hindi kagaya sa apartment ni Kuya Daniel at George ay

